Kabanata 2

3.7K 117 6
                                    

Kabanata 2
Customer


Pagkatapos ko makapagpalit ng dilaw at puting, striped hanging shirt at pink polka dot pajama. Lumabas na ako ng silid ko upang puntahan si lola Sigrid. Hinawi ko ang kurtina na tanging tumatakip sa silid ni lola at pagpasok ko ay agad na nag angat siya ng tingin sa akin na naabutan kong nagtitiklop ng mga nilabhan, habang nakikinig ng drama sa radyo.

"La, may ipag-uutos po ba kayo?"

"Tulungan mo na lamang ang tiya Nila mo sa kusina, naghahanda siya ngayon ng hapunan natin."

Agad akong tumalima kay lola at nagtungo sa kusina.

Sa kusina ay nadatnan ko naman ang tiya Nila na nagbabalat ng sayote. Nag-angat siya ng tingin nang makita ako.

"Nilagay mo sa plangganang itim ang pinaghubaran mo, Sybelle?" tanong niya sa akin.

Tumango ako at saka naupo sa isang itim na monoblock chair at nagkusa na akong himayin ang mga dahon ng malunggay na nakalatag sa mesa.

"Tiya."

"Hmm?"

"Marami pa po bang apo si don Octavio?"

"Dalawa lang ang apo ni don Octavio. Si señorito Vincent lang at ang kapatid niyang si señorita Vietta. Anak sila ng bunsong anak ng don, si señor Vicente."

Lumapit si tiya Nilda sa kalan na de kahoy. Tinanggal ang takip ng kalderong nakasalang dito at sumingaw namang ang mabangong aroma ng pinakukuluan niyang manok.

"Akalain mo nga naman at kabago-bago mo pa lamang dito sa Pan De Azucar ay nakatagpo mo agad ang isa sa mga Escarcega." malapad ang ngiting sabi ni tiya nang kuhanin niya ang sayoteng binalatan at hiniwa niya. "May magandang naidulot din pala ang pag-iwan ko sa iyo sa talahiban." nakakalokong ngumisi pa ito bago tumalikod at hinulog sa kaldero and sayote.

Napanguso naman ako. "Kung hindi mo ako iniwan, hindi ako matatalansikan ng putik." naninising sabi ko.

Muli akong hinarap ni tiya. "Diba nga, ang sabi ko sa iyo habang naglalakad tayo kanina. Kilalanin mong mabuti ang lahat ng nakikita mo sa paligid natin. Kasi gusto ko na maging pamilyar sa iyo ang daanan pauwi. Para matuto ka, sa gayon ay maaari ka ng mamasyal mag-isa, kung sakaling naiinip ka rito sa bahay." pilyang nginitian pa ako ni tiya.

Napailing na lamang ako at muling nakaramdam ng inis. Naalala ko na naman ang walang hiyang driver ng motor kanina na pinaliguan ako ng putik. At sa dinami-rami ng pagkakataong makikilala ko ang isa sa mga Escarcega ay sa nakakahiyang sitwasyon pa.

"Tiya, ang sabi niyo po ay bunsong anak ang tatay nila Vincent. How about the older child? Bakit hindi niya nabigyan ng apo ang don?"

Seryosong tinignan ako ni tiya at saka ito napabuntong-hininga na tila ba kay hirap ng tanong na ibinato ko sa kanya.

"Matagal ng patay ang unang anak ni don Octavio."

"B-Bakit po? Anong ikinamatay niya?" nangalumbaba ako habang hinihintay na sumagot si tiya.

"Mahabang kwento, Sybelle."

"Gusto ko pong malaman."

"Wag na. Masyadong masalimuot ang nangyari kay señor Virgel at maging ang lahat ng narito ay ayaw na rin balikan iyon. Bumabalik lang kasi ang panghihinayang sa maaga niyang pagkawala. Siya pa naman ang inaasahang tagapagmana ni don Octavio."

Curious ako sa pagkamatay ng panganay na anak ni don Octavio, pero ayokong pilitin si tiya Nila na magsalita. Siguro ay may tamang panahon para malaman ko ang tungkol doon.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon