Kabanata 33

2.3K 105 49
                                    

Kabanata 33
Truth and lies


Kinuha ni Sev ang isa kong kamay at pinagsalikop niya iyon sa kamay niya at saka dinala sa kanyang mga labi at paulit-ulit niyang halik-halikan ang likod ng palad ko.

Patungo kami ngayon sa Villa Escarcega at kapapasok lang namin sa itim na steel gate.  Tinatahak namin ngayon ang patag na lupang daan, na sa magkabilang gilid ay nakahilera ang malalaking puno ng narra. Nagbagsakan ang mga dilaw at maliliit na bulaklak nito nang umihip ang hangin na nagwasiwas sa mga dahon at sanga ng puno.

"Diba, pangarap mong makapunta ng Villa?" nakangiting tanong ni Sev sa akin.

Nakangiting tumango naman ako. "And because of you, makakarating na ako roon."

Naalala ko tuloy noong kinukulit ko si Sev na pumasok kami rito sa villa. Noong mga panahong sobrang curious ko pa kung anong itsura nito, pero ngayon...masasagot na ang curiousity ko.

Ganoon pala kapag hindi ka nag eexpect, dumarating. At dapat pala, hindi mo pinipilit ang isang bagay, hintayin mong mangyari iyon dahil may tamang panahon at oras para sa lahat.

Pagkatapos namin madaanan ang hilera ng mga puno ng narra. Makapigil hiningang tanawin naman ng sumunod kong nakita.

"Wow!" namamanghang sabi ko habang nakadungaw sa bintana at tinatanaw ang karagatan.

Tunay na makapigil hininga ang malalakas na alon ng dagat na humahampas sa malalaking tipak ng bato. May mga rock formation din doon. Nahahati sa matingkad at mapusyaw na kulay asul ang dagat, napakagandang pagmasdan nito, samahan pa ng kulay rosas na kalangitan.

Sa kabilang banda naman ng daan ay ang luntiang burol ang masisilayan.

Paalon-alon ang daan dito at patag na lupa pa rin. Sa dulo ay natatanaw ko na ang Villa Escarcega. Tama nga si Sev. Nakatayo iyon mismo sa tuktok ng burol at sa ibaba 'non ay humahampas ang malalakas na alon na tila inaabot ang Villa.  Napakaganda ng pagtatagpo ng lupa at karagatan.

Sa harap pa lang ng villa ay nakakamangha na agad ang landscape nito. Mayroon din fountain sa gitna. Mediterranean style ang villa Escarcega, symmetrical facade na may low-pitched red tiled roof. Ang pader ay gawa sa stucco na parang manilaw-nilaw na puti ang pintura. Ang mga bintana naman ay wrought iron, pati ang railings sa maliit na balcony, sa kaliwang bahagi ng bahay.

Saktong paglabas namin ni Sev sa kotse ay lumabas din ng bahay ang isang matandang babaeng sa tantya ko ay senior citizen na. Puti na kasi ang buhok nitong nakapusod at itim ang kulay ng kanyang unipormeng pangkasambahay.

Magiliw niya kaming sinalubong at nakita ko pa ang pagkamangha nito habang nakatingin kay Sev. 

"Nandyan ba si Don Octavio?" tanong ni Sev dito.

Tumango ito. "Sumunod kayo sa akin, senyorito." anito.

Sa isang malaking wood door na pa arko ang ibabaw ay pumasok kami ni Sev doon.

Halos pasukan ng langaw ang nakaawang kong bibig dahil sa pagkamangha, pagpasok namin sa loob ng Villa. Doble ang garbo nito sa Casa Escarcega.

Isang grand staircase na kulay puti ang sumalubong sa amin, wrought iron din ang railings nito at may kulay abo itong carpet. Ang kanila namang floor tile ay marble na halos pwede ka ng magsalamin sa kinis nito.

May malaking chandelier na nakasabit sa mataas na kisame. Nahahati naman ang ilang bahagi ng bahay, sa mga paarkong doorway. Kulay puti rin ang pintura rito sa loob at may mga ornament plants sa bawat sulok. Katulad ng dekorasyon sa Casa. 

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora