Kabanata 24

2.4K 118 69
                                    

Kabanata 24
Mahal ko

"Sev, ano ba? Bitawan mo ako. Uuwi na ako." saway ko sa kanya habang kinukuha ko ang braso ko sa kanya.

Sa halip na bitawan ako ay mas humigpit pa ang hawak ni Sev sa braso ko at nagulat ako ng hilain niya ako palapit sa kanya.

Nanigas ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang pagdikit ng katawan ko sa matigas na katawan ni Sev, habang bahagya akong nakatingala sa kanya at nakatitig sa maamo niyang mukha na may mga nagbababalang tingin sa mga mata. Nag-iigting pa nga ang kanyang mga panga.

Parang hinihigup ni Sev ang kaluluwa ko sa mga malalalim at madidiin niyang titig.

"Hintayin niyo ko, may sasabihin lang ako kay Sybelle." sabi niya sa mga kaibigan niya, pero ang mga mata niya ay nakatutok naman sa akin.

"Take your time, pre." narinig kong sabi ni Redentor.

"Tara." yaya ni Sev sa akin na muli akong hinila.

Nakakairita ang panghihila niya sa akin. Para bang isa akong alagang hayop. Kaya nagmatigas ako at hindi nagpahila sa kanya.

"Uuwi na ako!" protesta ko.

Pigil ko ang paghinga nang biglang inilapit ni Sev ang mukha niya sa akin, habang matalim pa rin siyang nakatingin.

"Hindi ka uuwi, hanggat mo naririnig ang mga sasabihin ko." aniya.

"Hindi mo ako alagang hayop na kaya mong pasunurin." matigas kong tugon sa kanya.

"Alam ko. Pero sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo." umangat ang isang sulok ng labi ni Sev at saka bigla akong binuhat.

Walang kahirap-hirap na isinampay niya ang katawan ko sa balikat niya, na animo sako ako ng bigas. Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko at nakabaliktad ang kalahating katawan ko, kaharap ang malapad niyang likod.

Nagulo ang buhok ko dahil sa nakatuwad kong posisyon at nagtititiling hinampas hampas ko ang likod ni Sev. Ipinadyak ko rin ang mga paa ko.

"Tulong!" sigaw ko.

"Sybelle, wag kang masyadong malikot." saway niya sa akin na nararamdaman kong ginagalaw ang palda ko.

"Anong ginagawa mo?!" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Tulong!" nagpapapadyak ulit ako at nagsisigaw.

"Inaayos ko lang ang palda mo. Kapapadyak mo dyan ay makikitaan ka na." aniya. "Relax, Sybelle. Hindi naman kita pagsasamantalahan." sabi pa niya.

"Ibaba mo ako!"

Hindi siya umimik pero ilang sandali lang ay ibinaba na rin niya ako.

Medyo umiikot pa ang paningin ko nang ibaba ako ni Sev sa tabi ng puno, sa tapat ng kubo.

Nandito na naman kami?

Naiilang na inaayos ko ang nagulo kong buhok habang nakatayo sa harap ko si Sev na nakapamaywang at nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa natin dito?"

Masyado ng maraming nalalaman ang lugar na ito. I wonder if there's other student going here to confess or something. It's like a confession area.

Dahan-dahan akong napaatras sa kinatatayuan ko nang maglakad si Sev palapit sa akin. Sa kaaatras ko ay hindi ko namalayang wala na pala akong aatrasan dahil bumangga na ang likod ko sa puno.

"Bakit mo ako iniiwasan?" mariing tanong niya sa akin.

Napansin niya agad na iniiwasan ko siya? Ganoon ba kalakas ang pakiramdam ng mga lalaki?

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now