Kabanata 21

2.4K 109 52
                                    

Kabanata 21
53113121170



Pinunas ko ang braso ko sa aking mga mata at saka kumawala sa pagkakayakap ni Sev sa akin na kahit papaano'y nakapagpakalma ng damdamin ko.

Naupo kami ni Sev sa magkabilang sulok ng maliit na kubong kinaroroonan namin. Niyakap ko ang mga tuhod ko si Sev naman na nakaupo sa harap ko ay nakasandal sa dingding ng kubo na ang isang paa ay tuwid na nakalatag sa sahig na kawayan at ang isa naman niyang paa ay nakatiklop na ang isa niyang braso ay nakapatong sa kanyang tuhod.

"Ayokong saktan ka, Vincent. Pero kailangan mong malaman na may iba akong gusto." tugon ni Nathalia, ilang minuto pagkatapos magtapat ni Vincent.

Mukhang nahirapan ang kaibigan na sagutin ang mga sinabi sa kanya ni Vincent.

"I know. It's Severino."

Namilog ang mga mata ko at nag-angat ng tingin kay Sev na nakapikit ang mga mata habang bahagyang nakatingala ang kanyang ulo na nakasandal din sa dingding.

"H-How did you---"

"How did I know? It's obvious, Nathalia. Ibang-iba ang kislap ng mga mata mo kapag nakikita mo siya. Iyon din ang naging dahilan kung bakit hindi ko masabi sa iyo ang nararamdaman ko, iyon ay dahil may iba kang gusto."

"Then why are you saying it now?"

"Because I want you to know that I'm not giving up. I will always be here for you no matter what."

"Vincent, may ibang babae para sa iyo and it's not me. Maybe someone that..."

Naipikit ko ang mga mata ko. Oh! Please, Nathalia. Don't tell him about me.

"Someone that's better than me."

Naipikit ko ang mga mata ko at napahinga ng malalim.

"I don't want anybody." matigas na sabi ni Vincent. "Sana, pagkatapos nito, hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko paglabas namin ni Sev sa kubo. Hinintay muna namin na makaalis si Nathalia at Vincent bago kami lumabas.

"Uuwi ka na?" tanong ni Sev sa akin.

Mabigat ang ulo ko na tumango sa kanya.

Actually, hindi lang ulo ko ang mabigat. Buong katawan at kaloob-looban ko ay ramdam ko ang bigat. Para bang may pasan-pasan ako sa likod ko.

Nang lingunin ko naman si Sev sa tabi ko, nakapamulsa ito at sumisipol-sipol pa.

Sana ganoon lang kadali sa akin na magpatay malisya sa mga narinig ko.

"Alam mo, may narealised ako,"

"Na ano?"

Hilaw akong ngumiti. "Na lahat pala tayo, hindi gusto ng mga taong gusto natin."

Lumingon ako at tiningala si Sev. Lumingon din siya sa akin at bahagya naman niyang niyuko ako at saka kami napangiti.

"Mga hangal." sabay naming nasabi at saka tumawa.

Ipinatong ni Sev ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko at tinapik-tapik ako roon.

"Magiging maayos din ang lahat." aniya.

Sana nga.

Siguro kung wala si Sev sa tabi ko. Baka hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. His presence, makes me feel the solidity. He made me control my emotion and with him, I feel the comfort that I never felt to someone before.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon