Kabanata 23

2.4K 99 36
                                    

Kabanata 23
Kabiguan


Alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Paano ba naman ay hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Severino. Naaalala ko ang itsura niya nang tanggihan ko siya kanina, pagkatapos niya akong yayaing ihatid.

Nagiguilty ba ako?

Palagay ko naman, tama lang iyong ginawa ko. Kasi, kung hinayaan ko siya na ihatid ako. Eh, di binigyan ko na naman siya ng pag-asa na pwede pang lumalim ang ugnayan naming dalawa.

Ano kaya kung tapatin ko na siya? Sabihin ko na kaya sa kanya na alam ko ng siya ang nagpapadala ng letter sa akin at wala siyang aasahan sa akin.

Hindi ko kaya pagsisihan kung gagawin ko iyon? Hindi kaya, maguilty na naman ako?



"Sybelle! Wala ka bang pasok ngayon?"

Gulantang na napabalikwas at napamulagat ako sa higaan ko nang marinig ko ang boses ni lola.

Tinignan ko ang oras sa wall clock at nagulantang ng makita kong labing limang minuto na lang at mag-aalas syete na.

Nanlalabo pa ang paningin ko at muntik pa akong masubsob sa pagmamadali kong kunin ang tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pinto at saka nagmamadali akong lumabas ng silid ko para maligo.

"Late ka na, apo." ani lola. "Anong oras ka ba natulog kagabi? Siguro ay nagbabad ka na naman sa tv, ano?" dinig kong sabi ni lola habang nag-iigib ako rito sa poso.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tanong ni lola sa akin dahil nagmamadali na ako.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Naloloko ka na sa panonood ng tv. Ang kulit kasi ng tiya mo, sinabi ko na ngang wag bumili, eh pinurgise pa rin."

Wala pa ngang alas-nuebe ay pinatay ko na ang tv kagabi pagkatapos ko manood ng Mara Clara.

Napuyat ako kakaisip kay Severino. Iyon ang totoo.

Parang gusto ko tuloy magsisi na nalaman kong siya ang nagpadala sa akin ng sulat. Sabi ko na nga ba at mas mabuti pang hindi ko na lang siya kilala. Ngayon tuloy ay ginugulo niya ang isip ko.

Lakad takbo akong pumasok sa school. Nagmamadaling dumaan sa mahabang hallway at mas lalo pa akong nagmadali nang makita ko sa wrist watch ko ang oras. Sampung minuto na akong wala sa una naming klase.

Pag-angat ko ng tingin ay may biglang nag-unat ng kanyang binti sa daraanan ko. Dahil mabilis ang paglalakad ko ay para akong sasakyang nawalan ng preno. Natalisod ako sa paa ng lalaking nag unat ng kanyang binti.

Akala ko ay tuluyan na akong mangungudngod sa sementong sahig, ngunit may mga brasong maagap na nasalo ako.

"Salamat." sabi ko nang hindi nag-aangat ng tingin dito.

"S-Sev, hindi ko iyon sinasadya, huh. Itanong mo pa sa kanila."

"Sev?"

Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakasalo sa akin at nang makita kong si Severino nga ito ay nag-init ang pisngi ko at agad na lumayo ako sa kanya at saka, tumakbo. Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.

Napangiwi ako habang papalayo kay Sev. Sa dinami-rami ng taong pwedeng makasalo sa akin, si Sev pa talaga?

Fifteen minutes na akong late pagdating ko ng classroom. Hinihingal at nahihiyang sumilip pa nga ako pa nga ako. Pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko, including Nathalia, Vietta and Vincent. Pero dahil bawal sa amin ang late ay hindi rin talaga ako pinapasok ng teacher namin.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora