Kabanata 28

2.4K 113 31
                                    

Kabanata 28
Alagaan




"Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mama at papa mo, huh? Na hinahayaan kitang kumirengkeng?" nakayuko at tahimik kong pinakikinggan ang sermon ni lola na nakatayo sa harap ko ngayon. Nakapamaywang ang isang kamay niya at ang isa naman ay dinuduro-duro ako.

"Hindi mo ba naisip ang mama't papa mo, Sybelle? Hindi mo ba naisip ang magiging reaksyon nila, kapag nalaman nilang nagpapaligaw ka na? Hindi ka nila pinadala rito, para maghanap ng nobyo, nandito ka para mag-aral, naiintindihan mo?" mariin niyang sabi.

"Susulat ako sa kanila, la. Sasabihin ko sa kanila ang totoo." sabi ko habang nakayuko pa rin.

"Mag-aalala ang mga iyon. Nagpapakahirap ang mga magulang mo sa pagtatrabaho sa Saudi, pagkatapos ay malalaman nila ang tungkol dito."

Nag-angat ako ng tingin at binigyan ng masuyong tingin si lola. "Mahal ko si Severino, la. Hayaan mo muna kaming patunayan sa iyo na hindi ang uri ng pag-ibig na alam mo, ang pag-ibig na nararamdaman naming dalawa. La, pagkatiwalaan mo naman ako."

"Masyado ka pang bata, Sybelle." maikling tugon niya at saka malalim ang mga tingin na ipinukol sa akin. Ilang minuto niya akong tila inobserbahan at saka napailing. "Bahala ka, Sybelle." sumusuko niyang sabi. "Basta, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa iyo. Ayoko na pabayaan mo ang pag-aaral mo. At sana, alamin niyo ni Severino ang limitasyon niyo. Kapag may nabalitaan ako sa inyong hindi maganda, pababalikin kita sa maynila at hinding-hindi na kita tatanggapin dito, kahit kailan." mahinahon ngunit mariin niyang sabi na nagparamdamn ng takot sa akin.

"Kayong mga kabataan, ang sakit niyo sa ulo." dagdag pa ni lola habang sapo ng palad niya ang kanyang noo at naglalakad papasok sa kanyang kwarto.

Para akong nabunutan ng mahabang tinik sa dibdib nang mawala sa paningin ko si lola.

Nagkatinginan pa nga kami ni tiya na nakataas ang isang paa sa upuan dahil naglilinis pa rin ito ng kuko.

"Sagutin mo na. May basbas na kayo." nakangising sabi niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. "Basbas na ba iyon? Nakakatakot iyong sinabi niyang pababalikin niya ako sa maynila at hindi na tatanggapin dito."

"Mangyayari lang naman iyon kung susuwayin mo ang mga bilin niya sa iyo. At alam ko na hindi mo kayang gawin iyon."

"Tiya, mali ba na pinaglalaban ko si Sev kay lola?"

"Para sa akin, hindi. Natural lang iyon. Sabi mo nga, mahal mo siya. Kaya ipaglaban mo. Tama lang iyon." muling ipinagpatuloy ni tiya ang paglilinis ng kanyang kuko, kasalukuyan niya na itong nilalagyan ng nail polish na kulay ube. "Sa laki ng mundo, hindi lang naman ikaw ang lumalaban para sa pag-ibig mo. Magkakaiba nga lang kayo ng sitwasyon." dagdag pa ni tiya.






Sa panibagong umaga ay tila naging normal lang ang lahat. Para bang walang nangyari kagabi. Magaan ang presensyang nararamdaman ko kay lola, wala ngang bahid ng kung anong galit nang gisingin niya ako, pinaghanda rin niya ako ng masarap na almusal at baon.

Kaya nga lang ay hindi niya ako hinayaang sumabay kay Sev, si mang Arman kasi ang naghatid sa akin sa school.



Pagpasok ko sa gate ay nagulat ako nang bumungad sa akin ang STARS. Nakatayo sila sa tabi ni mang Jose at nagkakatuwaan.

"Uy! Ayan na si Sybelle." ani Amadeus na siyang unang nakakita sa akin. Kinalabit niya si Sev na nakangiting nilapitan naman ako at saka kinuha ang ilang librong dala ko.

Kagabi bago ako matulog ay pinag-isipan kong mabuti kung sasagutin ko na ba siya o patatagalin ko pa ang ligawang ito.

Pero palagay ko naman, sapat na ang ilang buwan para ibigay ko ang matamis kong oo kay Severino.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now