Kabanata 40

3.8K 131 43
                                    

A/N: Ipopost ko ang WAKAS after this chapter.

Kabanata 40
The beginning and the end



"Checkmate!"

Nagkamot ng ulo niya si Stefano nang sa ikalawang pagkakataon ay natalo ko na naman siya.

"Redentor, nasaan na iyong ipapanood mo sa aming bago mong film? Tagal naman." atat na sabi naman ni Thamar na panay ang nguya ng bubblegum habang nagbabasa ng comics.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Red. Dito kami madalas tumambay, minsan naman ay sa bahay nila Thamar o kaya ay kanila Stefano. Bawal kanila Amadeus kasi strict ang parents niya, hindi rin naman pwede sa amin dahil hindi naman maganda ang bahay namin.

"Bakit ba ang galing mo sa lahat ng bagay, tol? Anong sekreto mo?"

Napakamot ako ng ulo at ngumisi kay Stefano. "If I'll tell you, it won't be a secret anymore."

"Nahanap ko na!"

Nilingon namin si Red na hawak hawak ang isang vhs tape. Sumasayaw sayaw pa ang loko, habang pinapakita sa amin ang picture sa lalagyan nito.

Naitutop ko ang palad ko sa noo ko at napailing-iling.

Sabi ko na nga ba. Kapag sinabi ni Redentor na may bago siyang film. Matik ng Bold iyon. Bold, Porn, Adul film whatever you call it.

"Maganda ba 'to?"

Abot tenga ang ngiti ni Stefano habang pinapakatitigan iyong lalagyan ng vhs tape kung saan may babaeng hubo't hubad na nakaupo at nakabukaka habang may hawak na sex toy. Tapos may tatlong maliit na pictures pa sa ilalim ng larawan ng nakahubad na babae. Pictures ng ibat-ibang sex position na mapapanood mismo sa film.

"O tama na ang titig. Mas maganda kapag gumagalaw." nakangiting sabi pa ni Red na kinuha na ang tape kay Stefano.

"Sev, ligpit niyo na nga iyan." utos pa ni Redentor nang humakbang siya sa chess board na ginamit namin ni Stefano.

"Ama, papatay naman ng ilaw." si Red ulit habang isinasalang ang tape sa vhs player.

Pinagtulungan naming iligpit ni Stefano ang pinaglaruan naming chess board. Si Amadeus naman ay pinatay na ang ilaw. Si Thamar ay prenteng nahiga sa kama ni Red. Handang-handa na sa mapapanood.

Kanya-kanyang pwesto na kaming lahat. Si Redentor at Thamar ay naroon sa kama. Si Amadeus ay nasa sofa at kami ni Stefano ay nandito sa lapag. Si Stefano na nakadapa sa carpeted na sahig at ako na nakasandal sa bed frame.

Napupuno na naman ng halinghing ang kwarto ni Red. Halingling ng babaeng niroromansa ng kapartner niya.

Isa-isa kong tinignan ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay para bang hindi kumukurap, nakanganga pa at napapalunok.Ganyan sila kaseryoso kapag nanonood ng bold. Ganyan din naman ako minsan.

"Kuya iyong----"

Napatingin kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang bunsong kapatid ni Red na si Ravello. Isang taon lang ang tanda ni Red dito at nag-aaral sa maynila. Pero dahil bakasyon ay nandirito ito ngayon.

"Isusumbong kita kay mama, nanonood ka ng bold!" anito at saka malakas na isinara ang pinto.

"Magsumbong ka, samahan pa kita!" hamon ni Red sa kapatid.

"Lagot tayo kay tita." tila natatakot na sabi ni Thamar na ninenerbyos pa yatang bumaba ng kama. "Patayin mo na, Red." dagdag niya pa.

"Duwag mo talaga!" Si Red na bumaba sa kama niya at nilock ang pinto.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora