Kabanata 30

2.4K 103 49
                                    

Kabanata 30
Lihim


"Congratulation." bati ko kay Sev na nakangiting yumuko para maisabit ko sa kanya ang sampaguita garland na binili ko sa tapat ng school.

"Thank you, sweetheart. Wala bang kiss dyan?" mahinang sabi niya na tanging ako lamang ang makakarinig.

Nahihiyang hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Severino! Nakakahiya, nandyan ang parents mo."

Ngumisi siya at saka ipinungay ang mga mata niya "Sige na, sa pisngi lang." nanghahaba pa ang kanyang nguso.

Inirapan ko naman siya. Hindi ko pinansin ang pagpapacute niya.

"Severino, Sybelle. Kukunan ko kayo dyan."

Napalingon kami ni Sev kay aling Valeria na itinutok sa amin ang maliit na film camera.

Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kamay ni Sev sa baywang ko.

"Smile." ani Aling Valeria na nakangiti habang kinukuhanan kami. Sa gilid niya ay naroon naman si mang Pancho na nakangiti rin habang nakatingin sa amin.

Ngumiti kami ni Sev kasunod ng pag flash ng camera.

"Kayo naman po ang kukunan ko." sabi ko sa kanila.

Pumwesto si mang Pancho at aling Valeria sa magkabilang gilid ni Sev. Si Sev naman na nasa gitna ay inakbayan sila at saka malapad na ngumiti ang mga ito.

Maya-maya'y nagdatingan narin sila Redentor, Amadeus, Thamar at Stefano.

Kinuhanan ko sila ng picture habang ang mga magulang naman nila ay napapansin kong nagkakaroon din ng kwentuhan sa gilid. Kaya lang ay napansin ko na wala ang parents ni Red.

"Syb, picture naman tayo." si Amadeus na umakbay sa akin.

Agad namang tinanggal ni Sev ang kamay ng kaibigan niya sa balikat ko.

"Picture lang, tol. Walang akbay." anito habang tinitignan ng masama si Amadeus.

Tumawa si Amadeus na para bang nagtagumpay siya sa kanyang plano.

"Sige na, ako na ang kukuha. Wag mong hahawakan, huh. Sinasabi ko sa iyo, Amadeus." nagbabanta pang sabi Sev na hawak na ang camera.

Panay ang kulitan ng magkakaibigan nang mapansin kong kinalabit ni Thamar si Red.

"Uy, Redentor! Auntie mo." aniya.

Tumigil sila sa pagkukulitan at sabay-sabay kaming napalingon sa paparating na si donya Seraphina na may buntot na apat na body guard na mga naka itim na uniform.

"What the hell is she doing here?" nagtatanong na sabi ni Red habang nakatingin sa papalapit niyang tiya.

Nahahawi ang lahat ng madaanan ni donya Seraphina at lahat ng iyon ay napapanganga at natutulala sa kanya. Para siyang isang sun flower na nasa gitna ng mga rosas. You can easily recognize how different she is.

Mahabang shirt dress ang suot ng donya at sa haba 'non ay tanging ang paa lamang niya ang makikita, suot ang kanyang platform pump heels na kulay beige. Maraming pleats ang suot niyang dress at kulay tanso iyon. Matingkad na kulay na mas lalong nakakuha ng atensyon ng marami. Mahaba pa nga ang manggas 'non, round collar at nakabukas ang ilang butones sa itaas. Niyayakap ng ribbon na kulay tanso rin, ang kanyang maliit na baywang. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at may malaki siyang salaming suot na kulay itim ang frame. Nakasabit naman sa braso niya ang isang checkered tote bag na siguradong mamahalin. Magkahalong perlas at ginto naman ang suot niyang alahas, mula sa hikaw niyang perlas na may ginto at purong ginto na kwintas at bracelet. Napansin ko rin na brick brown ang kulay ng kanyang lipstick na bumagay sa kanya.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now