Kabanata 34

2.4K 112 18
                                    

Kabanata 34
Forever


Sa mga nakalipas na araw ay inabala ko ang sarili ko sa ibat-ibang bagay. Naging abala rin si Sev, nitong mga nakaraang araw. Ilang araw na nga kaming hindi nagkikita, nagpapadala lang kami ng beep sa isat-isa.

Noong gabing nalaman ko ang totoong pagkatao ko. Halos hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang mangyayari sa amin ni Severino. Pumasok sa isip ko na wag na siyang pansinin at layuan na siya. But I can't control my feeling. My heart still wants him. Kaya iyong mga inignore kong beep niya, at the end of day ay tinugon ko pa rin.

I'm not ready to give him up. I can't and I don't think I will be ready for it.

Alam ko na hindi magtatagal ay malalaman din ng lahat na magkapatid kami, but for now. I still want to hide the truth from them. Gusto kong sulitin ang mga sandaling kasama ko siya at malaya pa akong ipahayag sa kanya kung gaano ko siya kamahal.





"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Panay kasi ang ang buntong hininga." alanganin kong nginitian si tiya na tumabi sa kinauupuan kong mahabang kahoy na upuan.

"Tiya, may pagkakataon bang magpakita ulit si papa kay Don Octavio?"

Nagkibit balikat si tiya Nila at tumingala sa kalangitan. "Hindi ko alam. Wala naman talaga akong masyadong alam kay kuya Benedic. Este, kay senyor Virgilio. Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero, sapalagay ko ay pinag-iisipan na rin siguro niya iyon. Ang tagal na rin buhat ng itago niya ang pagkatao niya sa tunay niyang pamilya. Siguro naman ay namimiss niya na rin ang mga ito. At saka, lumalaki ka na."

Nilingon ako ni tiya at sinalo ng palad niya ang panga ko at saka inangat niya ang aking baba. "Panahon na rin para malaman nilang may maganda pa silang apo, bukod kay Vietta."

Kaya ba inilapit ako ng tadhana sa mga Escarcega, dahil ito na mismo ang gumagawa ng paraan para mabuksan ang lihim sa pagkatao ko?

"Ikaw ba, gusto mong magpakilala sa mga Escarcega, bilang kasapi nila?" 

Marami ang gustong maging isang Escarcega. Minsan ko rin pinangarap iyon. Pero hindi sa ganitong pagkakataon.

"Gusto kong wag na lang nilang malaman kung sino ako."

Kumunot ang noo ni tiya. "Bakit naman? Ayaw mo 'non? Makukuha mo na ang lahat ng gusto mo, titira ka na sa Casa o kaya naman ay sa Villa. Matatamasa mo na ang lahat ng bagay na pinapangarap mo noon."

But I've rather be poor with Severino, than to be rich without him. Wealth is nothing if he's not with me. But that's not the case, dahil mayaman o mahirap man ako. Hindi ko maaalis ang katotohanang dumadaloy ang dugo ng Escarcega sa aming dalawa.

"Ayokong maging Escarcega, tiya. Ayoko." naluluhang sabi ko.

"Bakit? Parang kailan lang ay sobrang curious mo sa kanila. Akala ko ay gusto mong maging bahagi nila?

"Mas gusto kong manatili na lang na ganito. Kuntento na ako na may maliit tayong tv, nag-iigib ako sa poso at nakahiga sa papag. Masaya na ako sa ganito, tiya."

"Pero nasa papa mo pa rin kung mapapagdesisyunan niyang ipakilalang anak niya sa mga Escarcega."



Muling dumating ang panibago at masayang umaga sa bayan ng Pan De Azucar. Piesta kasi ngayon sa bayan. Abala nga ang lahat sa pagluluto ng mga ihahanda nila, katulad na lamang ni tiya na nasa bakuran at tinutulungan ni kuya Lorenzo na maghalo ng halaya sa malaking kawali. Si lola naman ay ayaw paistorbo sa pagluluto ng pansit sa kusina.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now