Kabanata 6

2.9K 91 12
                                    

Kabanata 6
Rancho Escarcega

Ilang araw pa lang buhat ng magsimula ang klase pero pakiramdam ko ay ilang linggo na ang nakalipas. Hindi kami nawawalan ng assignment, katunayan ay halos lahat ng teachers namin sa ibat-ibang subjects ay binigyan kami ng homework for this weekend.

Mabuti na lang at masipag akong gumawa ng assignment. Gusto kong ginagawa muna ang mga ito, bago gumawa ng ibang bagay. Iyon din ang turo sa akin ni papa noong nasa elementary ako, bago niya ako payagang maglaro ay pinatatapos niya muna sa akin ang lahat ng homeworks ko.

Dahil tapos ko naman na ang mga assignments ko ay sinimulan ko ng sagutin ang sulat ni Vivian sa akin. Dumating ito dalawang araw na ang nakalipas.

Natutuwa ako dahil ang kwento ni Vivian sa sulat niya'y may mga bago na raw siyang kaibigan at hindi na rin daw siya binubully dahil hindi na siya mukhang buto't balat. Nagtitake raw kasi siya ng vitamins na binili ang mommy niya sa kanya from abroad. Nahihiyang daw siya roon, kaya nagkakalaman na ang katawan niya. Marami pa siyang kwento na talagang nagpagaan ng kalooban ko. Bago kasi ako umalis ng maynila ay talagang nababahala ako para kay Vivian. Mahina kasi si Vivian, hindi rin siya palakaibigan at parati pang pinagkakaisahan.

Sa sulat ni Vivian ay mayroon din siyang ilang pictures na isinama. Tatlong pictures niya na solo at dalawang pictures na kasama niya ang mga bago niyang kaibigan. She also said in her letter that she misses me at hinihiling niya na sana'y magkasama kaming dalawa.

Pagkatapos kong maisulat ang lahat ng gusto kong sabihin kay Vivian ay muling dumako ang tingin ko sa mga ipinadala niyang pictures. Naroon iyon sa tabi ng sobreng paglalagyan ko nitong sulat ko.

Kinuha ko ang mga larawan ni Vivian kung saan abot tenga ang kanyang ngiti. Parang pinipiga ang dibdib ko habang tinitignan ko ito. Ramdam ko rin ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. Namimiss ko ang kaibigan ko, ang maynila at ang mga bagay na madalas kong ginagawa noon.

Suminghot ako at pinunasan ang pisngi kong dinaluyan na ng mga luhang tuluyan ng nalaglag sa mga mata ko.

Hindi dapat ako umiyak.

Masaya na rin naman ako kahit papaano rito sa Pan De Azucar. Nasasanay na ako sa sariwang hangin, mga huni ng ibon, tilaok ng manok na nagiging alarm clock ko para bumangon sa umaga, malalawak at luntiang burol at kapatagan, matatayog na bundok at higit sa lahat, masaya ako dahil nakilala ko si Vincent Escarcega.

"Oh, Vincent!" Nangalumbaba ako at tumanaw sa labas ng maliit na bintana rito sa silid ko.

Si Vincent ang isa sa inspirasyon ko kaya sinisipag akong pumasok sa school. Gustong-gusto ko siyang nakikita. Okay lang kahit hindi kami nagkakausap, at least nakakangitian ko siya at binabati niya ako sa umaga. Achievement na rin iyon kasi never ko naranasan sa ibang crush ko ang ganoon. May kayabangan, masusungit at snobero kasi ang mga lalaking lihim kong hinangaan noon. Unlike kay Vincent na total opposite nila, he's very friendly and when he smiles at me, he takes my breath away.

Nagising ako sa pagpapantasya nang maalala ko na may kailangan pa pala akong gawin.

Tinignan ko ang oras sa relo ko at nang makita kong mag aalas-tres na pala ay agad na akong nag-ayos ng sarili. Sabado naman ngayon, kaya ihuhulog ko na itong sulat ko, para matanggap agad ng kaibigan ko at makasulat ulit siya sa akin.

Bago ako umalis ay hinagod ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang mustard fitted ringer tee ko, flared jeans, at ang paborito kong black chunky sundals na parati kong sinusuot. Itinali ko naman ng pigtail ang buhok ko na lampas balikat ang haba. Malakas kasi ang hangin at parating nagugulo ang buhok ko kaya tinalian ko na lang.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon