Prologue

978 27 74
                                    

Michelle Morales
🍁

Is it possible for someone to fall in love with someone they used to forget?



Those are the questions I kept asking myself ever since I lost him and up 'til now, I'm still confused on what the answer would be.





"And... Submitted." I clicked. "Whoo! Yes! I'm done!" I throw my hands in the air as I stretched my back after finishing the last school activity.




"Sure ka bang papasok ka na?" tanong sa'kin ni Gabby nang malingon ako. Katatapos niya lang din maghugas ng pinagkainan namin.




Masaya akong tumango sa kanya. I've been homeschooled for months. I've been missing a lot and I don't wanna let this year end by just finishing my schoolworks at home.



Madalas din akong binibisita ni Gabby dito at sinasamahan niya 'kong gumawa ng activities. Siya lang din ang nakakaalam na babalik na ako ng school. I checked the time and we only have 10 minutes left to prepare ourselves for the cotillion practice kaya nagmadali na kaming umalis.




I thought about joining and going back to face-to-face class for a lot of times 'til I finally decided to set aside my fears and life issues. I already talked about this with our class adviser and she agreed.




Though, she's so worried lalo pa't sasali ako sa cotillion. Alam niyang bawal ako masobrahan ng pagod but I don't see that activity very tiring so I think I can handle it.


🍁

Nang makarating kami ng school ay nakasalubong pa namin papuntang Mapeh Faculty ang iba naming mga kaklase at gulat nang makita ako.





Nauna na rin sa classroom si Gabby at doon na lang ako hinintay. Nagpunta lang din naman ako sa faculty para magpalista ng pangalan sa mga sasali sa cotillion.




"Hi, Ma'am Jesyl!" I greeted the moment I stepped in. Hingal na hingal pa ako dahil nagmamadali akong pumunta rito. Baka kasi maubusan ako ng slot ng mga gustong sumali na babae.




"Oh, Mitch! Glad to see you back!" Yumakap siya sa'kin. "Pero bakit pagod na pagod ka? Anong ginawa mo? Alam mo namang bawal sa'yo 'yan," dagdag niya pa.




"Nagmadali po akong magpalista rito." Ngumiti ako sa kanya saka nagsulat na ng pangalan sa inabot niyang notebook sa'kin. Inabot ko rin naman sa kanya pabalik nang makatapos akong pumirma.




"May partner ka na ba para sa sayaw?" tanong niya sa'kin. Agad din naman akong umiling. Saka lang din sumagi sa isip ko na kaylangan nga pala no'n bago sumali.




I didn't even thought of looking for a partner. Iniisip ko lang naman na gusto kong mag-enjoy at extra grades din 'to. Wala na rin akong ibang kakilala na gustong sumali rito na lalaki.





"Well, that's great! You and Mr. Vergara can be a good pair!"




Saglit akong napatigil nang marinig ko ang pamilyar na apelyido na 'yon. Hindi ko rin napansing may kasama pala akong studyente rito kung hindi niya pa 'yon hinila pabalik.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon