Chapter 1 - Simula

748 13 0
                                    

"Love kailan ang flight mo sa Manila?" tanong ni Lui sa asawang si Anne.

"In two weeks love," maigsing sagot ni Anne habang patuloy na nananalamin at nagsusuklay ng buhok. Nagreready na silang matulog.

"Ganon ba?" sagot lamang ni Lui. Humiga na ito sa kama pagkadampot sa libro na ilang araw na nitong binabasa bago matulog.

Napatingin si Anne sa asawa kaya lumapit siya dito sa kama upang maglambing. "Bakit love mamimiss mo ba ako?" malambing na tanong niya sabay halik sa abs nito.

"Love stop it, can't you see I'm reading and I'm tired," saway nito pero malambing ang tono ng pagkakasabi. Nakikiliti ito at natatawa sa ginagawa niya pero patuloy pa rin siya sa paglalambing dito.

"Bakit love hindi mo na ba gusto na nilalambing kita at hinahalikan ko ang tyan mo?" pakunwaring nagtatampo na tanong niya habang patuloy pa ring nilalambing si Lui.

"Love pagod ako. Ang daming customer kanina sa restaurant kaya wala akong pahinga," sagot nito na nakikiliti talaga sa ginagawa niya.

Manager si Lui sa isang sikat na restaurant sa US. At si Anne naman ay dating admin staff sa nasabing restaurant. Matagal nang nag-resign si Anne doon mula ng ipinanganak niya ang kanilang twins na si Yohan at Yuna. Five years old na ang kanilang twins kaya 5 years na rin siyang housewife.

At sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos ay si Anne ang palaging naiiwan mag-isa sa bahay mula ng nag-schooling na ang mga bata. Gusto na sana niyang bumalik sa pagtatrabaho pero ayaw na siyang payagan ni Lui.

Katwiran ni Lui ay di naman daw niya kailangan magtrabaho dahil sapat naman ang sweldo nito sa restaurant at may mga investment sila na condominium at apartments sa Pilipinas. Kaya buwan-buwan ay may pumapasok na income sa kanila kahit hindi magtrabaho ang esposa nito.

Wala namang problema kay Anne na sa bahay lang siya. Pero lately ay nararamdaman niyang nawawalan na ng gana ang asawa nya palagi sa kanya pagdating sa sex.

Ilang buwan na niyang napupuna ang asawa na palaging pagod at wala sa mood. Kahit pa anong lambing at pagpapaganda niya ay wa-epek lang iyon kay Lui.

Sa isip-isip ni Anne ay ang bata pa ng asawa niya para mawalan ito ng gana na makipagtalik sa kanya. Kaya palagi pa rin niya itong nilalambing kahit na parang ang cold na nito sa kanya.

Iniisip na lang din niya na baka nga naman pagod lang ang asawa niya kaya iniintindi niya ito. Inisip din niya na baka may babae ang asawa kaya pa-simple niya ito noong minanmanan. Pero sa ilang buwan niyang pagmamatyag sa asawa ay wala naman siyang napala.

Araw-araw niya itong minamatyagan sa labas ng restaurant noong nakakaramdam na siya ng pagbabago kay Lui. Pero wala namang kakaiba sa routine nito. Pati mga social media nito ay pinakialaman na rin niya. Pero wala naman siyang nakuhang kahit ano. Kaya alam ni Anne na faithful pa rin ang asawa niya kahit palagi itong walang gana makipagtalik sa kanya.

Naisip din niya na hindi gagawa ng kalokohan ang asawa niya sa loob ng trabaho. Dahil halos lahat ng empleyado doon ay kilala siya na asawa ni Lui at karamihan ay kaibigan nila. Kaya tiwala siya sa asawa. Pagod nga lang siguro ito sa trabaho. Siya lang siguro ang nag-iisip ng hindi maganda dahil siguro nabuburo na siya sa bahay mag-isa araw-araw.

Gayon pa man ay pinagpatuloy na lamang ni Anne ang paglalambing sa asawa.

Habang patuloy niyang pinapainit ang asawa, si Lui naman ay patuloy pa ring nagbabasa ng libro. Kaya hindi nakikita ni Anne kung ano ang reaksyon ng asawa niya habang nilalambing nya ito at pinaiinit ang pakiramdam.

Hinawi nya ang libro na nakatakip sa harap ng mukha nito para hubaran ito at halikan sa labi.

Pero laking gulat na lang niya dahil tulog na pala ito. Kaya napamura na lamang siya habang nakatingin sa tulog na tulog na asawa.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon