Chapter 13 - Left

372 17 12
                                    

Hindi na nagkita kinaumagahan ng araw ng linggo si Anne at Paul dahil nag-check out na si Anne sa hotel at bumalik na rin agad sa farm. Nagtatawagan na lamang sila pero napagpasyahan ni Paul na dalawin si Anne sa farm ng lunes ng umaga dahil wala itong trabaho. Sa di naman inaasahang pagkakataon ay biglang tumawag si Mickey. Pinapasundo si Kyle.

"Wait, bakit mo ba pinapasundo at pinapatira muna sa akin si Kyle? May problem ba sa kanya o dahil galit ka sa akin?" tanong agad ni Paul kay Mickey sa kabilang linya.

"Wala...wala. Tsaka about the other night I want to say sorry dahil hindi kita pinakinggan. Pero aalis kasi kaming mag-asawa, kaya iiwan muna namin sayo si Kyle," sinserong paumanhin nito.

"Huh? Saan kayo pupunta?" pagtataka ni Paul.

"Mag-iikot lang sa Europe para makalimot at makapagpatawad na rin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Umamin na sa akin ang asawa ko. Salamat sayo, Paul. Sorry talaga sa inasal ko sayo the other night ha, sorry din sa mga nasabi ko against Anne."

"Tapos na yun at wag na natin ungkatin pa, tao lang tayo na nagmamahal. So sa palagay mo titigil na si Ken after ng bakasyong engrande nyo?" tanong niya na curious sa isasagot ni Mickey.

"Hopefully, pero this is the last chance na ibibigay ko sa kanya kaya for sure di na sya uulit. Nag-resign na rin ang secretary nya. Nangako din ang asawa ko na babawi at di na uulit. Ayaw daw nyang masira ang pamilya namin. Para sa mga bata susubukan ko at baka nga naman ang bakasyon ang mas magpatibay sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya," mahabang sagot nito.

"Bakit daw ba niya nagawang patulan ang secretary niya. Di ba matagal na yun nagtatrabaho sa inyo?" Curious muli niyang tanong. Kilala niya si Ken at maganda ang reputasyon nito pati ng buo nitong pamilya bilang mga negosyante. Kaya nagulat din siya na nagawa nitong lokohin si Mickey.

"Sabi nya na-seduce lang daw siya dahil palagi daw nagpapapansin sa kanya si Eve. Hanggang sa nagkainuman daw sila at nalasing sa isang birthday party ng isa sa mga tauhan nya."

"Sabi ng client ko na asawa ni Eve hindi lang daw si Ken ang kabit ng asawa nya. Meron pa daw ibang businessman na kinakalantaryo si Eve. Mukhang businessman talaga ang target niya kaya malamang na-seduce lang talaga si Ken. Alam mo naman kaming mga lalaki pag palay na ang lumapit tutuka agad kami pero depende din sa uri ng palay ha. Pag bulok na palay di siguro ako tutuka, di na yun masarap!" tumatawa pang biro niya.

"Ganyan naman talaga kayong mga lalaki marurupok!"

"Pero alam mo naman kapag nagmahal ako kahit pa sinong babae ang lumapit sa akin dedeadmahin ko lang yan. Alam mo yan dahil minsan ko na yang napatunayan sayo," pagmamalaki at paalala nya.

"Ewan ko sayo! Basta bibigyan ko ng chance si Ken para na rin sa mga bata," sagot nito dahil ayaw nitong pag-usapan ang nakaraan nila ni Paul. 

Si Mickey kasi ang nanloko kay Paul noon kaya nag-break sila. At alam na alam nito kung paano magmahal si Paul at mag-alaga ng relasyon. He is ideal man.

"Sige kung yan ang desisyon mo. Asan nga pala ang iba mong mga anak kasama nyo ba?" tanong na lamang niya dahil alam niya na sensitive si Mickey pag nakaraan na nila ang pinag-uusapan.

"Iiwan ko muna kay mommy at daddy for 1 month. Gusto mo ba isama ko na rin si Kyle sa mga kapatid niya kina mommy?"

"Wag na, sa akin na lang si Kyle para naman magkasama kami ng matagal-tagal. Pero seryoso na one month kayo mawawala? Okay ka rin masaktan e ano?" panunudyo niya.

"Di naman ako ang may gusto nito. Sina mom and dad at parents ni Ken at si Ken ang nagplano nito. Para daw magkaayos kami ng walang ano mang ibang iniisip. Babawi daw siya sa lahat-lahat," paliwanag nito.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon