Chapter 44 - Liar

285 15 26
                                    

Kinaumagahan ay naunang nagising si Anne. Halatang pagod na pagod si Paul dahil tulog na tulog pa ito kahit alas otso na ng umaga. Tinitigan nya ito ng ilang minuto at hinalikan sa noo habang natutulog. 

Pagkatapos ay nagsuot na sya ng damit at nagpasya ng iwan si Paul sa kwartong iyon. Gusto nyang kalimutan na lamang ang nangyari sa kanila ni Paul kaya ayaw na nyang magpakita dito pag nagising ito.

Kalmado na ang panahon at maliwanag na ang kapaligiran. Pero halatang-halata ang matinding struggle ng mga punong kahoy dahil sa nagdaan na bagyo kagabi. Ang daming naputol na mga puno at nasirang mga pananim. Maging sirang mga bahay sa nadadaanan ni Anne ay madami din.

Habang nagmamaneho sya ay biglang gumuhit sa isip nya ang mainit na pangyayari sa kanila ni Paul kagabi. Naisip nya na habang dumadanas ng paghihirap ang iba kagabi dahil sa hagupit ng bagyo. Sya naman ay nagpapakasaya sa piling ni Paul. Napabuntong hininga na lamang sya at napapitlag dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang best friend nyang si Judith.

Walang kaalam-alam si Anne na agad kumalat sa social media ang picture ng grupo ng kabataan na nagpapicture sa kanila ni Paul kagabi sa hotel. Dahil doon naungkat muli ang tungkol sa biglaang pagbisita ni Paul noon kay Anne sa Good morning Philippines. Pinag-usapan muli ito. At sa tinagal-tagal ng pagtatago nya ng tungkol kay Paul ay hindi na nya alam kung paano kumalat ang usapan na si Paul ay ex-boyfriend nya. 

"Bes napatawag ka?" Malambing na tanong ni Anne sa kabilang linya.

"Bes, nasaan ka?" Usig ni Judith.

"Nagdadrive pauwi, bakit bes?" Pagtataka nya.

"Nasa Tagaytay ka ba?" Hula ni Judith na pinagtaka ni Anne.

"Huh?" Nagsalubong ang kilay nya."Oo, pero paano mo nalaman?"

"Basta, dumaan ka dito sa bahay dali! May papakita ako sayo." Mahinahong utos nito sa kanya.

Dumiretso nga sya sa bahay nina Judith. At pagdating doon ay agad binalita ng matalik na kaibigan ang nakita sa social media na kinagulat din nya.

"Bes umamin ka nga sa akin. Kayo na ba ulit ni Paul?" Bungad ni Judith pagkarating na pagkarating pa lang ni Anne at habang pumapasok sila sa gate.

"Huh, hindi! Saan mo naman napulot yan?" Kunot noong tanong nya. Hindi na sila pumasok sa loob ng bahay. Sa loob na lang ng gate sila nag-usap.

"Eto dito sa kumakalat nyong picture." Sagot nito sabay abot ng cellphone sa kanya.

"Anong picture?" Kunot noo pa ring tanong nya sabay tingin sa pinapakitang picture ni Judith. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang pictures nila ni Paul na magkasamang kumakain.

"Ano, paano mo ipapaliwang yan? Galing ka sa Tagaytay di ba? Sabi dito namataan daw kayo sa Tagaytay kumakain sa restaurant. Ayan oh ang dami nyong pictures kasama ang mga kabataan na ito."

"Bes kumain nga kami dyan kagabi. Ano namang masama dun?" Pagtatanggol nya sa sarili.

"Oo nga, pero paano nangyari na nagde-date kayo ulit ni Paul. Alam mo namang hindi na free yung tao."

"Kumain lang na magkasama, date agad! Hindi ba pwedeng nag-share lang sa isang table." Pilosopo nyang sagot.

"E sa iyon ang caption ng mga kabataan na nagpost ng picture nyo e."

"Nadaanan nya kasi ako na nagpapalit ng sumabog na gulong ko. E kung di nga nya ako tinulungan malamang inabot na ako ng bagyo sa daan. Dahil tinulungan nya ako nagpasalamat ako sa kanya, nilibre ko sya ng kape. Tapos yun nga na-stranded na kami sa Tagaytay at nag-check in sa hotel na yan. Syempre nagutom kami kaya kumain kami."

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon