Chapter 2 - Unappreciated

523 15 0
                                    

Pagbalik nya ng bahay ay naligo sya at nagpaganda, tiningnan nya ang sarili sa salamin. Matagal na syang hindi nagsusuot ng sexy na mga damit. Simula ng maging nobyo nya si Lui ay binabawalan na sya nito na magsuot ng maigsi at mga damit na palabas-labas ang cleavage at hapit na hapit sa katawan na dress. Ganoon sya katanga sa pagmamahal sa asawa. Sinusunod nya kung ano man ang gusto nito kahit labag sa kagustuhan nya.

Mahal e, syempre susunod ka di ba?

Kahit may anak na sila walang nagbago sa pangangatawan niya. Buti na lang at sexy pa rin sya gaya noong dalaga pa sya.

Habang nakaharap sya sa salamin ay bigla pa nyang naalala ng makilala nya si Lui 6 years ago sa restaurant na pinagtatrabahuhan nito.

Internship pa lang sya noon. Manager na si Lui sa restaurant ng mga panahon na yun. Habang iniinterview sya ni Lui noon ay napansin nya na titig na titig ito sa kanya kaya medyo naaasiwa sya dito.

"Sir bakit po, may dumi po ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ni Anne sa nag-iinterview na si Lui. Nag-tatagalog si Lui sa iniinterview kapag alam nito na Pinoy ang aplikante para mas magkaintindihan sila at maging comfortable ang applicant nito.

"A-h hindi, wala... wala!" tila nasasamid na sagot ni Lui sa kanya ng mga oras na yun.

"Ah akala ko po may napansin kayo na dumi sa mukha ko or eye booger. Kasi kanina pa po kayo titig na titig sa akin," malakas ang loob na sabi nya na ngingiti-ngiti habang nagsasalita.

Maganda kasi si Anne, tisay, sexy at very simple but oozing with sex appeal. Isa syang half Filipina at half American. Ang tatay nya ang American at nanay nya naman ang Pinay. Pero 14 years old na sya ng makatira sa US kaya magaling pa rin syang magsalita ng Tagalog.

After debut nya ay bumalik na ang parents nya sa Pilipinas. Dahil mas gusto ng Mom and Dad nya ang climate sa Pinas at ang simpleng buhay doon. Kaya noong panahon na yun ay kailangan nya agad makahanap ng trabaho. Hindi naman kasi sila mayaman, average lang ang estado ng buhay nila sa US. Kaya gusto nyang makabawas sa gastusin ng parents nya at tumayo na rin sa sarili nyang mga paa.

Sya pa kasi ang pinapadalahan ng mga ito ng allowance mula sa pension ng mga ito. Kaya nagworking student sya hanggang maka-graduate ng college. Ayaw talaga nya na palagi na lang aasa sa parents nya. Tuition fee lang at pambayad sa apartment ang hiniling nya sa parents nya.

Dahil alam nya na bago pa lang napapaunlad ng mga ito ang nabiling farm sa Pilipinas. Kaya wala pang gaanong income ang mga ito sa naisipang farm business that time. Ibinenta na ng parents nya ang property nila sa US upang makapag simula ng farm sa Pilipinas. 

Nag-agree naman si Anne noon na okay lang sa kanya na mag-rent ng apartment habang nag-aaral sya, tutal ay nag-iisa na lang naman sya sa US. Nagpasya din sya na sa US na tapusin ang kolehiyo kaya nagpaiwan sya sa mga ito.

"Pasensya ka na, nabighani kasi ako sa mga mata mo. Parang ang amo-amo na para bang nahihypnotize ako," nahihiya at magalang na pag-amin ni Lui habang nakangiti sa dalaga.

"Ah ganon po ba?" sagot nya na naaasiwa dahil naisip nya na baka manyakis si Lui.

"Please don't get me wrong," nahihiyang tugon muli nito dahil nahalata na tila naaasiwa si Anne sa inasal nito.

"May itatanong pa po ba kayo sir?" tanong nya. Kasi wala naman itong tinanong sa kanya kundi pangalan lang nya at birthday tsaka saan sya nakatira.

"Ah wala na Ms. Johnson, your hired!" nakangiting sagot nito sabay abot ng kamay upang i-congratulate sya.

"Talaga po sir!" di makapaniwalang sagot nya kahit nawiwirdohan sya kay Lui dahil nga wala naman itong naitanong na iba pa sa kanya.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon