Chapter 28 - Pagsisisi

351 14 6
                                    

Kaarawan ni Paul ngayon kaya hindi sya pumasok ng trabaho. Tatlong buwan na syang walang balita kay Anne. Umaasa sya na baka sakaling babatiin at patatawarin na sya nito ngayon. Subalit sumapit na ang gabi ay walang Anne na nagparamdam.

Pero ang siguradong nakaalala ng birthday nya ay ang kanyang mga kaibigan. Sinurpresa sya ng mga ito. Nagulat pa nga sya dahil hindi nya inaasahan na pupuntahan sya ng mga kaibigan sa condo nya. Maghapon lang kasi syang nakahiga sa kama at malalim ang iniisip at paminsan-minsan ay umiiyak dahil hindi pa rin matanggap na iniwan na sya ni Anne ng dahil lang sa isang pagkakamali na hindi nya pinag-isipang mabuti.

"Bro mukhang namumula ang mga mata mo ah. Wag mo sabihing tumitira ka na ngayon ng shabu!" Puna at biro ni Anton. Sinuntok pa nito ng bahagya ang kanyang matigas na braso.

"Gago, over sleep lang ako!" Tanggi agad ni Paul.

"Teka, birthday mo di ba? Bakit wala kang handa? At tsaka nasaan na yung maganda mong chef?" Kikindat-kindat pa si Ivan sa kanya na nanunukso.

"Wala." Walang gana nyang sagot.

"Ganon, kaya naman pala puro basura ang nakikita namin sa sink mo. At tsaka bro mukhang hindi ka na naglilinis ng bahay mo ah ang kalat kalat, grabe." Puna pa ni Ivan.

"Sorry guys wala lang talaga ako sa mood maglinis at magluto ngayon. Kaya nga hindi ko na kayo pinapunta dito, kaso ang kulit nyo naman. Pumunta pa rin talaga kayo." Alibi nya.

"What the fudge! Pasalamat ka nga naalala namin ang birthday mo bro!" Mura at tatawa-tawang biro ni James.

"Kala ko ba every week pinaglilinis ka ni Anne. Di ka na ba nya pinupuntahan? Kasi kahit daga ata mahihiya pumasok dito sa bahay mo sa sobrang kalat e." Pagtataka ni Anton.

"Di na sya pumupunta dito, iniwan na nya ako." Malungkot na sagot nya.

"What!" Sabay-sabay na tanong ng apat na kaibigan dahil nagulat sa rebelasyon nya.

"You guys heard it. Hindi na sya pumupunta dito. Three months na kaming walang contact. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon."

"Pero bro paano nangyari yun? Di ba mahalang-mahalan kayong dalawa?" Si James.

"Wala e, di talaga lahat permanente sa mundo."

"Kaya ba hindi ka na pumupunta sa bar, kasi nagmumukmok ka na lang dito?" Tanong ni Joven na hinihintay ang iba pang ikukwento ni Paul.

Tumango lang sya at bigla na lang tumulo ang luha sa harap ng mga kaibigan. Huling iyak ni Paul sa babae ay noong kay Mickey pa. Kaya alam na alam ng mga kaibigan nya na nasasaktan talaga sya ngayon. 

"Kasalanan ko ito e!" Sisi ni Paul sa sarili.

"Bro, ano bang nangyari sa inyo? Sige lang makikinig kami." Naaawang tanong ni Ivan. Tinapik-tapik nya ang balikat ni Paul bilang suporta.

"Ang tanga-tanga ko kasi mga bro. Hindi ako nag-iisip puro sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko na naisip na pwede syang mapahamak dahil sa pansarili kong kagustuhan. It's my fault!" Sagot nya sabay punas ng luha na di mapigilang tumulo.

"Ano nga yun bro!" Ulit na tanong ni Joven.

"Natatandaan nyo ng nalasing si Anne sa bar." Panimula ni Paul. Sabay-sabay namang tumango ang magkakaibigan.

"Oo matagal na yun ah, bakit anong kinalaman ng paglalasing nya? May problema ba kayo that time?" Sabad ni James.

"Wala, pero ako ang nagbigay ng problema sa kanya. Pinagsamantalahan ko ang kalasingan nya. I got her pregnant on purpose. Kahit pinag-usapan na namin na ayaw nyang magbuntis dahil nga magulo pa ang sitwasyon namin."

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon