Chapter 47 - Agreement

481 16 8
                                    

Kinabukasan ay humarap nga si Clarisse kay Paul kasama ang ama nito at si Ivan. Galit na galit dito si Paul dahil sa sinapit nya. Abot langit naman ang hingi ni Clarisse ng tawad sa kanya.

Humihingi ito ng kondisyon kay Paul para lang maabswelto sa kaso ng tangkang pagpatay sa kanila ni Anne. Pero mariin ang pagtanggi ni Paul.

"Babe, please forgive me. Hindi ko sinasadya na banggain ka. Lasing ako noon at akala ko brake ang naapakan ko. Pero nagkamali ako ng apak. Laking gulat ko din ng madinig ko na bumagsak na kayo ng kabit mo. I'm sorry Paul, sobrang sama lang ng loob ko noon kaya ko nagawa yun." Umiiyak na pagsusumamo ni Clarisse habang nakaluhod sa harapan ng wheelchair ni Paul.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo! Wala akong kabit at hindi ko alam kung paano tayo naging mag-asawa. Ang naaalala ko lang, naging classmate kita noon sa law school kaya kita nakilala ngayon. Pero whatever it is napakasama mo para pagtangkaan akong patayin. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon ha! Sobrang masakit dahil hindi ko alam kung kailan ako makakalakad uli at kung kailan ko maaalala ang lahat ng nakaraan sa buhay ko. Naiintindihan mo ba kung gaano kasakit yun ha!" Galit at sigaw na sagot ni Paul na lalong nagpaiyak kay Clarisse.

"I'm so sorry, sobra lang kitang minahal. At umasa ako na masusuklian mo yung pagmamahal ko sayo. Sana mapatawad mo ako. Please, ayokong makulong!" Pagmamakaawa pa rin nito.

"Ngayon nagmamakaawa ka na patawarin ka dahil takot kang makulong. Sana naisip mo yan bago mo ako sinagasaan noon. Paano kung hindi ako nabuhay ha. Anong gagawin mo? Tatakasan mo na lang ba ang kasalanan mo ha! Umalis ka sa harapan ko habang nakakapagpigil pa ako! Wala akong asawa na mamamatay tao!" Gigil pa ring taboy nya dito.

Dahil nga galit na galit si Paul ay namagitan na ang ama ni Clarisse. Pinalayo muna nito ang anak kay Paul para iopen ang pabor na hihingin nila. Ganon naman talaga ang ama ni Clarisse laging sinasalo ang kasalanan ng anak.

Sa unang asawa nito ay namagitan din ang ama para kay Clarisse. Pinagtangkaan din kasi ni Clarisse ang ex-husband nito na sagasaan ng kotse dahil din sa kalasingan. Ayaw kasi ni Clarisse makipag-annulment sa asawa nito noon kaya sa sama ng loob ay sinagasaan nito ang asawa. 

Pero walang alam si Paul sa nakaraan na yun ni Clarisse at ex-husband nito. Ang alam lang nya ay hindi na magampanan ni Clarisse ang pagiging may bahay nito dahil nga subsob sa trabaho, at napakaselosa nga nito at nagger. Kay Ivan lang nya nalaman kamakailan ang pagsagasa din ni Clarisse sa ex-husband nito dahil nga sa imbestigasyon kaya naungkat ang dating kaso nito.

"Balae, Paul at Atty. Ivan. Tatapatin ko na kayo. Andito kami dahil gusto naming humingi ng paumanhin at gusto sana naming makipag-areglo sa inyo." Malumanay at nahihiyang panimula ng ama ni Clarisse.

"Areglo po? Naiintindihan nyo po ba ang pabor na hinihingi nyo? Halos patayin na po kami ng anak nyo at yung sinasabi nya na kasama ko. Sa palagay nyo po ba papayag sya na makipag-areglo gayong sabi nina mom at dad pareho kami ng kalagayan ngayon. Maswerte lang yun dahil hindi napilay ang paa." Inis na sagot ni Paul.

"Nakausap ko na ang family Johnson. At ang sabi nila kung ano daw ang desisyon nyo ay sya na ring magiging desisyon nila. Ang mahalaga daw sa kanila ay buhay ang anak nila at ayaw na nilang makigulo pa sa inyong mag-asawa ni Clarisse." Diretsahang sagot ni Atty. Marquez.

"So ibig sabihin hindi nila idedemanda si Clarisse kahit na nalagay sa alanganin ang anak nila? Wow, kakaiba rin ang family na yan ha. Hindi ba nila kayang ipaglaban ang hustisya para sa anak nila? Bakit, magkano ba ang binayad nyo sa pamilyang yun ha?" Sarkastikong pahayag nya. 

Hindi matandaan ni Paul ang sino man sa mga Johnson kaya naman ganon na lamang ito kung magsalita.

"Look bro, we went to their house yesterday and they know na magdedemanda si Clarisse against you and their daughter ng adultery. Sina Mr. and Mrs Johnson lang ang nakausap namin. Yung anak nila naka-out of town. Baka sakali daw na may maalala and they already decided on behalf of their daughter na ayaw na nilang madagdagan pa ang sakit ng ulo ng anak nila." Singit ni Ivan.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now