Chapter 31 - Ride

286 12 0
                                    

Samantala nang nag-e-entertain na sina Judith at Ivan ng mga bisita every table. Napansin nila na wala si Paul at Anne sa kanya-kanyang upuan at grupo. Kaya naman tinanong ng bagong kasal sina Anton kung nasaan si Paul.

"Sinundan si Anne sa labas bro!" Si James na ang sumagot.

"What! Kanina pa ba silang wala?" Gulat na tanong ni Judith. Napahaplos sa noo habang ang isang kamay ay nakapamewang.

"Siguro mga 30 minutes na." Sagot ni Anton. "O ayan na pala si bro e!" Dugtong nito sabay tingin sa parating na si Paul.

"O bro anong nagyari sayo? Bakit hawak mo ang pisngi mo?" Puna ni Ivan.

"Wala 'to bro. Congrats nga pala sa inyong dalawa Ivan and Judith." Bati nya na hindi nagpapahalata na masakit ang pisngi.

"Bro mukhang nasadista ka na naman ni Anne ah!" Tumatawang biro ni Joven.

"Ha, anong nasadista. At tsaka bakit pawis na pawis ka ha? Anong ginawa mo sa best friend ko!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Judith.

"Wala, sinampal lang naman ako ng bff mo at tinapakan ang paa ko kanina sa dance floor." Pag-amin nya kaya nagtawanan ang mga kaibigan sa halip na maawa sa kanya.

"Magaling nga sayo!" Inis at natatawang wika ni Judith. "Dyan na nga kayo, mapuntahan na lang si bestie." Inis na paalam nito sa lima na tawa pa rin nang tawa kay Paul.

Nang makalapit si Judith sa table nina Anne ay agad nitong napuna na pinapawisan din si Anne at namumula ang pisngi at tainga.

Ano kayang ginawa na namn ng dalawang 'to! Wika sa isip ni Judith habang papalapit kay Anne. "Hi, bes!" Nakangiting bati nito kay Anne.

"Bes, congrats!" Nakangiti ding bati ni Anne sabay beso sa bagong kasal na kaibigan.

Habang nakabeso ay bumulong naman si Judith sa kanya. "Saan ka galing bes? Bakit pawis na pawis ka?" May tono ng paghihinala.

"May tinawagan lang ako sa may garden. Medyo mainit kasi sa labas!" Pabulong din na alibi nya.

Para hindi makahalata si Lui sa kanila. Niyaya ni Judith si Anne na magwashroom sandali. Agad namang pumayag si Lui nang nagpaalam sila na magwawashroom lang.

"Hoy ikaw ha anong ginawa nyo sa labas ni Paul!" Usig ni Judith na may paghampas pa ng bahagya sa braso ng kaibigan.

"Wala bes ano ka ba!" Tanggi ni Anne. Pero kinuwento din nya agad ang nangyari sa kanya at kay Paul sa may garden kanina.

"Sinasabi ko na nga ba e. Kanina ko pa kayo napapansin sa simbahan. Pero the best yung ginawa mong pag-apak sa paa nya pati pagsampal sa kanya, bongga!" Natatawang wika nito. "Narinig ko kanina sinasadista mo daw sya." 

"Dapat lang yun sa kanya, sira ulo sya!" Inis na sagot nya dahil naisip na naman si Paul. "By the way bes, mauna na kami umuwi ha. Alam mo na may baby ako. Pero maiiwan naman si Lui at tsaka sina mom and dad at Ate Lala." Paalam nya ng maaga.

"Sige bes, pero gusto ko sana dito ka na lang until matapos ang wedding party. Si yaya na lang ni baby Yosef kasi ang pagbantayin mo bes. O kaya si Sir Lui na lang ang ipasama mo sa mga bata." Lambing nito na kunwari'y nagtatampo.

"Bes ano ka ba di pwede. Tsaka alam mo naman na hands on ako kay Yosef. Kwentuhan na lang tayo after ng honeymoon mo." Giit naman at lambing nya dito para di na magtampo.

"Ihh.., bes naman kakainis ka naman e. Alas sais pa lang o, ang aga-aga pa kaya."

Hindi naman nagpapigil si Anne. At tsaka way na rin nya yun para maiwasan si Paul. Gusto na rin sumama ni Lui sa kanya pero sinabihan nya ang asawa na mag-stay na lang sa reception muna for her.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon