Chapter 16 - Vacation

293 16 6
                                    

Makalipas pa ang ilang linggo napapansin ni Anne na lalong nilalapit ni Lui ang loob sa kanya. Sobrang sweet nito at madalas umuuwi din ng bahay during his lunch break at sa bahay ito kumakain kasabay sya. 

Kapag wala itong pasok mas maaga pa itong nagigising sa kanya para pagsilbihan sila ng mga bata, at ito na rin mismo ang nauuna magsabi sa mga bata na ipapasyal sila. Dati kasi ay wala itong time ipasyal man lang ang mga ito. Ang dami nitong dahilan, kesyo pagod daw.

Feeling ni Anne nanliligaw muli sa kanya si Lui. Hindi na rin sya hinahayaan nito na gawa nang gawa sa bahay. Magkatulong na silang naglilinis ng bahay lagi. At higit sa lahat ay hindi na ito nag-o-overtime sa trabaho. Kaya naman maaga itong umuuwi at kung minsan sinasamahan pa syang sunduin ang kambal sa eskwelahan.

At dahil nga sa panunuyo at pagbabago ni Lui ay nabawasan tuloy ang oras ni Anne kay Paul na madalas ikatampo ni Paul. Dahil palagi na lang napuputol ang usapan nila dahil sa bigla biglang darating si Lui ng bahay ng walang pasabi kay Anne, just to check up on her. At araw-araw na rin itong tumatawag kay Anne na ni minsan ay hindi nito nagawa noon sa kanya. Bumabawi talaga sa kanya si Lui.

"Babe, napapansin ko konti na lang ang oras na nailalaan mo sa akin ah. May problema ba?" Malungkot na tanong ni Paul sa kabilang linya.

"Babe, I'm sorry nag-iingat lang ako. Si Lui kasi palaging umuuwi ng bahay ng walang pasabi just to check up on me kaya alerto ako. Minsan hindi na sya nagdodoorbell, basta na lang sya papasok ng bahay gamit ang own key nya. Kaya hindi nya ako pwedeng mahuli na nakababad sa cellphone at lalong di nya ako pwedeng mahuli na kausap ka kaya please understand me, okay." Mahabang paliwanag nya.

"I see, sorry babe akala ko kasi iniiwasan mo na naman ako."

"Pwede ba naman yun e mahal kita, nag-iingat lang ako."

"Anyway babe, di ba vacation na this week ng kambal mo? So, paano, tuloy ba ang balik mo sa Pilipinas? Miss na miss na kasi talaga kita. Gustong-gusto na kita mayakap at mahalikan." Tanong nito na may kasamang paglalambing.

"Babe, gagawan ko pa ng paraan yan. Di ako maka-purchase ng ticket dahil malalaman ni Lui kapag ginamit ko ang joint account namin." Paliwanag nya na may halong pangamba.

"Ako na lang ang magpo-purchase ng ticket nyo ng mga bata. Para iwas hinala ang asawa mo."

"Babe that's not how easy. Kailangan ko din sabihin sa kanya na magbabakasyon lang kami ng kambal para hindi sya maghinala na plano kong dyan na kami mag-stay. Kaya stand by ka lang dyan. Ta-timing lang ako sa kanya."

Samantala naputol na naman bigla ang usapan nila ni Paul dahil pinatay ni Anne ang messenger nya. Narinig kasi nya na dumating ang kotse ni Lui sa labas ng bahay. Dahil nga takot sya na mahuli ni Lui kaya sa may malapit sa front door na lang sya pumupwesto kapag katawagan si Paul. Para alam na alam nya agad kung parating ang asawa.

Si Paul naman ay naiinis sa nangyayari sa kanila ni Anne, palagi kasing ganon ang scenario nilang dalawa. Minsan once a week for 10 minutes na lang sila nagkakausap at madalas sa buong week wala na silang contact. Kaya kinakabahan sya sa nagiging takbo ng relasyon nila ni Anne ngayon.

Pero dahil mahal nya nga si Anne kaya tinitiis nya kung ano mang kaya lang ibigay sa kanya nito. At kahit pa pinapayuhan sya ng mga kaibigan na iwan na si Anne ay di nya ginagawa. Dahil umaasa talaga sya na magiging masaya din sila at magkakasama someday.

"Love good morning!" Bati ni Lui pagkapasok na pagkapasok sa bahay. Nakita nya agad na nagpupunas-punas si Anne ng alikabok ng mga picture frame sa may salas.

"Good morning! Bakit andito ka, di ba oras pa ng trabaho mo?" Pagtataka ni Anne.

"Oo, kaya lang may outside meeting kami kanina kaya after namin nagmeeting naisipan ko icheck ka muna dito. Kumusta ka dito love." Tanong ni Lui sabay halik sa noo ni Anne.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon