Chapter 4 - Friends

522 13 3
                                    

Samantala makailang oras ay tumawag naman si Anne sa best friend na si Judith para sabihin na pakisundo ang kambal sa eskwelahan dahil nakainom na sya ng alak at di na makakapagmaneho.

"Sige bes, nasaan ka ba?" tanong ni Judith.

"Andito sa bar sa dati nating tambayan nina Ate Lala."

Doon sya dumiretso kanina matapos masaksihan ang kataksilan ng asawa. Hindi niya lubos maisip na magagawa syang gaguhin ni Lui. Nasusuka sya sa tuwing babalikan sa utak nya ang nasaksihan kanina. Kaya naman sa sama ng loob at para na rin pansamantalang makalimot ay dumiretso siya sa isang 24 hours open na bar.

Binilisan talaga nya ang pagda-drive dahil alam nyang hahabulin sya ni Lui. Ayaw nyang makita ito at marinig man lang ang boses nito. Gusto nyang maglaho ito sa paningin nya at sa buhay nya ng mga sandaling iyon.

"Sige, wag kang aalis dyan susunduin din kita mamaya dyan," pag-aalala ng kaibigan sa kanya.

Pagkasundo ni Judith sa kambal ay hinatid nito ang mga ito sa bahay. Tatawagan sana nito si Lala para ito ang sumundo kay Anne sa bar. Kaso ay nakita nito agad si Lui sa labas ng bahay ng mga ito na nag-aantay sa pagbabalik ni Anne.

"Sir, andito ka pala!" may himig ng inis na tanong nito kay Lui. "Pwede po ba na ikaw na muna ang magbantay sa kambal, pupuntahan ko pa si Anne," wika pa nito na may diin at galit ang boses pero nakangiti ng peke para di mahalata ni Lui ang pagkainis nito.

Pinapasok muna ni Lui ang mga bata sa loob ng bahay bago kinausap si Judith. "Nasaan daw si Anne? Please, sabihin mo sa akin," pakiusap ni Lui.

"Andon, lasing na lasing. Sabi nya, wag ko daw sabihin sayo kung nasaan sya. Tsaka di daw sya uuwi, ikaw daw muna ang bahala sa kambal!" inis na sagot nito na may kasama pang irap ng mata.

Magsasalita pa sana si Lui pero tumalikod na si Judith at sumakay na ng kotse sabay salida. Samantala nadatnan nga ni Judith si Anne sa bar na lasing na lasing na dahil sa sobrang dami na ng nainom. Pero nakabantay naman sa kanya ang kaibigan nilang Pinoy na isa sa bartender doon.

"Pre, salamat sa pag bantay dito ha," pasasalamat ni Judith sa kaibigang bartender na si Allan sabay kindat nito dito.

"No problem, ano bang problema nyang kaibigan natin? Ngayon ko lang nakita yang ganyan ah. Sa tagal nyang hindi tumambay dito tapos ng bumalik sobra-sobra naman kung uminom. Akala mo wala ng bukas," tanong at pagtataka ni Allan.

"Problema sa puso! Teka, binayaran na ba nya ito lahat?" sagot naman ni Judith sabay nguso sa mga nainom ni Anne.

"Oo, kanina pa sya nagbayad. Sabi ko nga ako na ang bahala. Pero sabi nya malulugi daw ako dahil magpapaka-lango daw sya sa alak hanggang gabi. Kaya tinanggap ko na rin ang bayad nya," paliwanag nito habang tinutulungang alalayan si Judith kay Anne.

"Ok's lang yun! Salamat talaga sa pagbabantay dito ha. Paano, alis na kami ha iwan ko muna ang kotse nya sa labas. Bukas ko na lang kukunin," paalam nito dito ng maipasok na nila sa loob ng kotse si Anne na wala ng malay. Tulog na tulog na talaga. Ang sabi ni Allan, nagkukwento pa si Anne kanina pero nakatulog na rin habang nagkukwento ng kung ano-ano.

"Sige, sige. Ingat kayo ha at pag-usapan kamo nilang mag-asawa ang problema nila. Wag idaan sa alak, kasi di yan mareresolba ng alak," pahabol na payo naman ni Allan.

Dinala ni Judith si Anne sa apartment nila ni Lala. Noong dalaga pa si Anne ay doon din ito nakatira. Kaya naman welcome na welcome si Anne doon dahil kilala din ito ng landlord ng apartment at nang iba pang nakatira doon.

Inihiga muna nito si Anne sa kama. Tulog na tulog pa rin siya at tila naubos na talaga ang lakas sa kalasingan. Mabuti na lang at nasa first floor ang room nila kaya hindi ito nahirapan na akayin si Anne, humahakbang naman siya kaya lang ay nakapikit. Nadatnan ni Lala na nakatingin lamang si Judith sa kaibigan na tulog na tulog.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon