Chapter 45 - Prove

242 11 14
                                    

"Tingnan mo nga naman guys itong si Anne akala natin nag-eenjoy na sa buhay nya sa America yun pala pagtulong pa rin sa kapwa ang inaatupag. Katuwang pa yung anak nya na sundalo. Anong masasabi mo Lucy dyan sa jowa mo at dyan sa magiging biyenan mo?" Nakangiting tanong ni James kay Lucy habang abala nilang pinapanood ang balita sa cellphone nito.

"Syempre proud ako sa kanila, bukas nga sasama ako sa kanila sa mission nila. Guys, alam nyo ba boyfriend ni Ate Anne yang gwapong doctor na yan, yang katabi nya palagi." Masayang kwento nito sabay turo kay Shaun na nasa video.

"Talaga, may boyfriend na sya? Kailan pa?" Di makapaniwalang tanong ni Madie.

"I think more than 6 months na sila. Sabi ni PJ nireto daw nya si Doc Shaun kay Ate Anne. Buti nga daw sinagot ng nanay nya yan. Mukhang perfect match sila di ba?" Narinig naman ni Paul ang sinabi ni Lucy. Di namalayan ng mga ito na dumating na pala sya dahil nga mga nakatutok sa balita.

"May boyfriend na si Anne?" Mahinang tanong ni Paul. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nya.

"Ah oo e. Ito oh nasa video, yang katabi nya palagi." Nahihiyang sagot nito.

Maya-maya pa ay may isang grupo ng mga kano na pumasok sa Tipsy bar nina Paul. Hindi nakaligtas sa paningin ng tropa ni Paul si Anne na nakasukbit ang kamay sa braso ng sinasabi ni Lucy na boyfriend nito.

Agad naman lumapit si Lucy sa grupo ng mga kano upang lapitan si Anne at PJ. Masayang pinakilala ni PJ si Lucy sa mga kasamahan at sa boyfriend ni Anne na si Shaun. Ngitngit na ngitngit si Paul dahil may boyfriend na si Anne. Kaya naman panay ang tungga nito sa alak. Parang sasabog ang dibdib nya sa nalaman at nakikita. 

Hindi man lang ako hinintay na ma-annul kay Clarisse. Gigil nyang sabi sa isip habang umiinom ng alak at nakapako ang tingin kay Anne sa di kalayuan.

"Bro tama na yan lasing ka na. Hayaan mo na lang si Anne. Kita mo naman mukhang masaya sya sa bago nyang boyfriend." Saway ni Anton dahil napapadami na sya ng inom.

"Hindi ako naniniwala na mahal nya yan. Rebound lang nya yan sigurado ako." Giit nya sabay lagok sa alak.

"Bro, tingnan mo nga oh ang saya-saya nya. Parang sya yung Anne na bagong dating noon sa Pilipinas." Hirit ni Joven.

"Papatunayan ko sa inyo na hindi nya mahal yang kano na yan." Pagkasabi noon ay tumayo si Paul ng upuan dahil nakita nito na pumunta si Anne sa rest room.

Nagulat si Anne ng makita si Paul na biglang pumasok sa loob ng rest room. Sya lang ang tao doon. Nakita nya na isinara at inilock pa nito ang pintuan. Humarang ito sa harapan nya para hindi sya makalusot papunta sa pintuan.

"Paul what are you doing here!" Gulat na tanong ni Anne.

"Balita ko boyfriend mo yung kano na katabi mo?" Mapungay na ang mga mata ni Paul dahil nakakarami na ng inom. Kaya malakas din ang loob nito na usigin si Anne na akala mo ay may relasyon sila.

"Oo, bakit may problema ba?"

"Oo, dahil alam kong hindi mo sya mahal. Bakit ka nakikipagrelasyon sa taong hindi mo mahal?" Usig nito na hindi inaalis ang titig sa mga mata ni Anne.

"Anong pinagsasasabi mo dyan, lasing ka na!"

"Paano mo naaatim na halik-halikan at yakapin ang boyfriend mo kahit alam mo sa sarili mo na hindi mo naman sya mahal ha. Ako ang mahal mo Anne, di ba?"

"Paul pwede ba padaanin mo ako, hinihintay na nila ako." 

"Anne, I love you so much bakit ba umalis ka na naman. Handa kitang ipaglaban pero tumakas ka na naman at iniwan ako. Ganito na lang ba tayo palagi?"

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now