Chapter 32 - Changes

295 14 17
                                    

Lumipas na ang isang taon subalit wala namang Anne na nakipag-usap o nakipag-kita kay Paul. Tinatanong palagi ni Paul si Judith at Ivan kung nasa Pilipinas pa ba si Anne at ang anak nila. Pero ang sagot ng mga ito palagi ay wala daw, bumalik na daw sa America.

Yun kasi ang pakiusap ni Anne sa mag-asawa kung sakaling magtanong si Paul tungkol sa kanilang mag-ina. Gusto na nya talagang kalimutan ng tuluyan si Paul at putulin ng tuluyan ang ugnayan dito kahit pa sabihing may anak sila.

Lingid sa kaalaman ni Paul nasa Laguna pa rin naman si Anne. Basta gaya pa rin dati ang utos nya sa gwardiya sa main gate ng farm nila. Ganon din ang utos nya kina Benjie sa opisina sa Manila. 

Napaka-ingat nya sa tuwing lalabas sya ng farm o pupunta ng Manila dahil ayaw nya na magtatagpo muli ang landas nila ni Paul. Whether she admits it or not, she still loves him. That's why she better avoid the temptation to do sin again.

Alam naman nya na nagiging unfair sya at selfish dahil pinagkakait nya kay Paul ang anak nila. Pero yun lang ang tanging paraan nya para maging tahimik ang buhay nya at ng mga anak nya. At mapanatiling matatag ang marriage nila ni Lui dahil yun naman ang tama. 

Araw ng 2nd birthday ng anak ni Anne at Paul. Inimbita nya si Judith at Ivan. Maging si Lala ay andoon din, kasalukuyan na itong nakadestino sa Steak house restaurant Manila branch.

Ginanap ang 2nd birthday party ni Yosef sa farm. Gaya ng dati, imbitado din lahat ng empleyado nila sa farm. Simply lamang ang party pero masaya. Madaming bata doon na anak ng mga empleyado nila. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga anak ni Anne. Isa pa ay pinalaki nya talaga ang mga anak nya na down to earth at magalang sa kapwa. Kaya lahat ng bata sa farm ay kalaro at kasundo ng tatlong anak nya.

"Bestie, alam mo may balita ako sayo!" Wika ni Judith habang abala sa pagkain ng barbeque. Si Anne naman ay abala sa pagpupunas ng pawis ng anak nyang si Yuna dahil wala na itong ginawa kundi maglaro nang maglaro kasama ang mga anak ng empleyado nila sa farm.

"Ano yun bes?" Seryosong tanong nya.

Inintay muna ni Judith na umalis si Yuna bago nagpatuloy sa sinasabing balita nito kay Anne.

"Si Paul nasa America ngayon at pupuntahan ka daw nya sa address mo doon." Pagbabalita nito ngunit pabulong lang.

"Di naman nya alam ang address ko d'on. At tsaka makita man nya kung saan ako nakatira dati mapapahiya lang sya kasi iba na ang nakatira dun di ba. We sell our property 6 months ago pa." Seryosong sagot nya na di naman nabigla sa balita ni Judith.

"Yun nga bes, kinulit nya kaming mag-asawa bago sya umalis kaya napilitan kaming ibigay ang address mo. Pero sabi ko sa kanya hindi ko sigurado kung doon ka pa rin nakatira, kasi lumipat ka na ng state."

"Maganda yang sinabi mo sa kanya bes. Atleast iisipin pa rin nya na nasa US pa rin ako." Nakangiting sang-ayon nya.

Naputol ang usapan ng dalawa dahil lumapit bigla si Lala. May dala din itong balita kay Anne.

"Kapatid may sasabihin nga pala ako sayo." Sabad ni Lala pagkalapit na pagkalapit nito sa kinauupuan ni Anne at Judith.

"Ano yun 'te." Kunot noong tanong ni Anne. Si Judith naman ay tuloy pa rin sa pagngasab ng barbeque.

"Eto nga, nabalitaan ko sa isang kaibigan ko sa Australia na kasamahan ni Sir Lui sa restaurant na hiwalay na daw si Kate at yung asawa ng bruha. Na-grant na daw ang divorce ng dalawa 6 months ago pa." Pagbabalita ni Lala.

"E ano naman ngayon Ate Lala, wala naman tayong pakialam sa babaeng yun!" Maarteng sabad ni Judith na umiirap pa ang mga mata dahil naiinis kay Kate.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon