Epilogue

780 25 26
                                    

Ang party ni Ivan ay parte na rin ng plano ng magkaka-tropa para icelebrate ang paggaling ni Paul at Anne. At may naisip sila na paraan na baka sakaling makakapag-pabalik ng alaala ng dalawa. 

Pagbaba ni Anne ng hagdanan ay agad syang sinalubong ng kaibigang si Judith at Lala na ngiting-ngiti sa kanya.

"Bestie gising ka na pala!" Masayang bati ni Judith kay Anne. 

"Oo bes, uuwi na kami ng mga bata. Okay na ang pakiramdam ko."

"Bes, mamaya na lang. Tulungan mo muna ako magluto ng soup, kasi may nagrequest e. Hindi ako expert sa soup. Ikaw lang naman ang alam kong nakakapagluto ng masarap na soup." Pakiusap nito na pinagbigyan naman ni Anne. Minsan lang maglambing sa kanya ang best friend kaya pinagbigyan na nya.

"Sige, ano bang soup? Pero bago yan iinom muna ako ng tubig bes ha. Kasi nauuhaw ako." Nakangiting sabi pa nya dito.

"Sige ba bes, basta ipagluto mo yung bisita ng corn egg drop soup ha. Maalat kasi ako magluto nyan. Pero pag ikaw masarap. Parang may magic ata ang kamay mo pag nagluluto nyan." Kumbinsi pa nito at papuri.

"Sino ba yang nagpapaluto nyan at napaka-demanding naman ata. Hindi na lang kainin kung anong nakahain dun sa labas. May soup soup pa syang nalalaman." Reklamo ni Anne matapos uminom ng tubig.

"Naku, pagbigyan mo na kapatid yung bisita. At ang gusto daw e maanghang na maanghang na soup. Damihan mo daw ang ground white pepper saka dinikdik na siling labuyo. Tapos sa ilalim ng bowl mo daw ilagay yung mga pangpa-anghang. Sya na daw ang mag-i-stir mamaya." Sulsol pa ni Lala.

"Ha, e anong lasa nun? Bakit hindi na lang paminta at siling labuyo ang kainin nya? Bakit kailangan pang ilagay sa soup, ang arte-arte naman nya. Sino ba kasi yun?" Natatawang sagot ni Anne sabay kuha ng kailangan nya sa pagluluto ng soup.

"Basta, kumpare ko yun bes. Matagal yun hindi pumunta dito kaya pagbigyan na natin ang request nya. Sige na luto na, dali!" Kumbinsi muli ni Judith para magsimula ng magluto si Anne sabay abot ng paminta at siling labuyo. Sinamahan pa nito ng chili powder para mas matindi ang anghang.

Nang patapos na si Anne magluto ng corn egg drop soup ay agad nyang nilagyan ng dinikdik na sili at binudburan ng paminta at chili powder ang isang mangkok bago sinalinan ng soup. 

Hindi nya alam kung bakit gigil na gigil syang ibuhos ang chili powder at ground white pepper sa bowl na yun. Parang bigla kasi syang nainis habang niluluto ang soup kanina. Kaya parang uminit ang ulo nya sa di nya maipaliwanag na dahilan.

Nakita ni Judith at Lala ang tila pag-iiba ng itsura nya. May gigil sya sa bawat kilos na parang may kaaway.  Mukhang effective ata ang plano nila ng tropa kaya nagtinginan sila at nagkasenyasan habang pinagmamasdan si Anne na gigil na gigil sa pagtaktak ng paminta sa bowl.

"Bes, ito ang pang-toppings mo sa soup na yan. Gusto mo pa bang dagdagan ang pepper para mas lalong maanghang?" Patay malisyang tanong ni Judith sabay abot ng ginayat na green onion.

"Dadagdagan ko talaga bestie! Nanggigigil ako sa kakain ng soup na 'to eh. Hindi ko alam, pero may naalala ako bigla sa soup na 'to. Teka, pahingi ako Ate Lala ng ice cube, dali. Bestie, pahingi ako ng lagayan ng ice tapos pakiabot uli ng ground white pepper tsaka sili. Yung hinog na hinog ulit." May gigil na pakiusap nya sa dalawa. Sa mga oras na yun ay may unti-unting pumapasok sa isip nya na ginawa nya yun noon kay Paul.

"Oh ito bes, gatas kailangan mo ba?" Pangunguna ni Judith pagkaabot ng paminta at sili.

"Oo tama, bigyan mo ako bes ng milk. Ewan ko lang kung hindi sya matauhan sa anghang nito." Tatawa-tawa nyang sabi na may gigil. 

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon