Chapter 30 - Wedding

362 13 24
                                    

Dumating na nga ang araw ng pinakahihintay na kasal ni Judith at Ivan. Masayang-masaya ang magnobyo. Sa Manila Cathedral Church ang seremonyas ng kasal nila. At ang reception ay sa isang sikat na hotel sa Manila. 

Imbitado ang lahat ng kaibigan at kamag-anak ng dalawa. Maging si Lala at Lui ay umuwi pa ng Pilipinas para sa kasal nila. Ninang si Lala habang si Anne naman ay maid of honor gaya ng pangako nito.

Ninang at ninong din ang parents ni Anne. At abay din ang kanyang kambal bilang flower girl at ring bearer. Si Lui naman ay tumanggi na umabay dahil ang katwiran ay hindi ito sanay sa ganoon. Ito na lamang daw ang magbabantay kay baby Yosef.

Samantala si Paul naman ay best man ni Ivan. Hindi talaga ito inabutan ni Ivan at Judith ng wedding invitation para hindi nito malaman na aattend ang buong pamilya ni Anne. Hindi naman naghahanap ng invitation card si Paul. Dahil sapat na dito na sinabihan ni Ivan at Judith na ito ang best man ng dalawa. 

Abay din ang tatlo pa nilang katropa na si James, Joven, at Anton. Kapartner sila ng mga girlfriend at asawa nila. Isa din sa batang abay ang anak ni Paul na si Kyle.

Taga Laguna pa sina Anne kaya nag-check in na lamang sila lahat sa hotel kung saan ang reception ng kasal nina Judith. Ganon din si Lala at family ni Judith. Kaya naman 1 day bago ang kasal ay napakasaya nilang lahat. Parang naging reunion na rin para sa kanilang lahat ang pagsasama-sama sa iisang hotel lamang. 

Sa wakas ay nagkakila-kilala din ang bawat pamilya nina Anne, Judith at Lala. Kaya naman tila may tatlong pamilya din na naging magkakaibigan ng dahil sa kasalang magaganap.

"O ano bes ready ka na ba sa kasal mo?" Tanong ni Anne habang nagreready na si Judith. Tapos na itong make-upan at any moment ay tutungo na sila sa simbahan.

"Oo naman bes. This is it pancit!" Ngiting-ngiti at masayang tugon ni Judith. "Maganda ba ako bes sa ayos ko?" 

"Oo naman, sigurado ako lalong mai-in love sayo si Ivan mamaya pag nakita ka nya sa simbahan."

"Sure ka bes ha. Baka naman chinacharot mo lang ako dahil araw ko ito. Pero infairness bes, mas maganda ka pa sa akin ha."

"Luka-luka, ikaw kaya ang pinakamaganda ngayong araw na ito."

"Sige na nga maniniwala na ako sayo."

"Naalala ko pa noong kinasal ako. Parang nagpalit tayo ng position ngayon. Di ba ikaw yung nagtanong sa akin noon kung ready na ba ako sa kasal ko?" Nangingiting pagbalik tanaw ni Anne sa nakaraan. Sobrang in love na in love pa sya noon kay Lui.

"Oo nga bes, akalain mong ako na ngayon ang ikinakasal. Akala ko talaga hindi na darating ang moment na ito. At dahil yun sayo kaya nakilala ko si Ivan." Paalala pa nito na hindi na binanggit si Paul na pasalamatan dahil baka masira ang good vibes ni Anne.

Naputol ang usapan ng dalawa dahil tinawag na sila ng ina ni Judith upang sabihin na oras na para pumunta sa simbahan. Kinakabahan si Judith sa sobrang excited. 

Si Anne naman ay ganon din. Kinakabahan sya dahil sa posibleng pagkikita nila ni Paul. Matagal din silang hindi nagkita. At alam na alam nya na unang-unang hahanapin ni Paul ay ang anak nila. Pero buo ang isip nya na hindi nya hahayaang mapalapit si Paul sa anak nya kahit na anong mangyari.

Pagdating sa simbahan ay namataan agad nya si Paul. Hindi pa sya nakikita nito dahil abala ito sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Nasa may pintuan si Anne dahil kakarating lamang nya. Habang si Paul naman ay nasa grupo nina Ivan sa may unahan ng simbahan. 

Hanggang sa tinawag na sila lahat ng organizer ng kasal sa simbahan. Kaya nagsi-puntahan na lahat ng abay at mga ninong at ninang sa may pintuan upang mag-formation na dahil nasa kotse na daw ang bride.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon