Chapter 36 - Soup

234 12 28
                                    

"Hi guys, andito pala kayo!" Medyo alanganin na bati ni Anne pagkakita sa grupo. "Sorry ha di ko napansin na andito kayo." Paumanhin pa nya na nakangiti ng pilit sa grupo.

"Okay lang Anne, kumusta!" Masayang sagot naman ni Madie na nakangiti rin sabay tayo upang ibeso sya.

"I'm good, how about you? Wow, you still look beautiful!" Sagot at puri nya dito "Wait, asan si Juris at Lyn?" Pagtataka nya na nilinga-linga pa ang table nina Paul.

"Naku, sa kasamaang palad hindi sila ang nakatuluyan nitong si James at Joven. Niyaya ko sila dito kaso mga busy sa mga trabaho nila. Ah sya nga pala si Jenny asawa ni Joven at si Hanna asawa ni James." Baling at pakilala nito sa kanya sa new member ng grupo. "Ito namang mga lalaksot na 'to kilala mo pa rin naman siguro, di ba?" Tumatawang hirit pa nito.

"Oo naman, sino ba namang makakalimot sa mga yan." Sagot nya sabay bati sa mga lalaki. "Hi guy's what's up! Hi, Paul!" Nag-wave sya ng kamay sa mga ito pero hindi tumitingin kay Paul na nasa tabi lang nya halos at nakaupo. 

Ngumiti naman sa kanya ang mga lalake at gumanti din ng kaway. Agad namang tumayo si Jenny at Hanna para magpakilala sa kanya.

"Hi, Jenny! Nice to meet you! Hi, Hanna! Nice to meet you, my name is Anne!" Masayang pakilala nya sa dalawang babae sabay shake hands. "Teka lang, you look familiar, have we met before?" Kunot noong tanong nya kay Hanna pagkatapos magshake hands dito.

"Ah sister sya ni Kuya Jessie, Anne." Sabad ni James.

"Really, kaya pala! I think alam ko na kung saan kita nakita. Doon sa picture ng kuya mo sa office nya. Pag kasi dinadalaw ko sya, yung family picture nyo na malaki sa wall ang palagi kong unang napapansin pagkabukas ng pinto. Now I know why you look familiar. Anyway, you're so pretty in person!" Masayang kwento at puri nya kay Hanna.

"Thank you, kinukwento ko nga sa kanila kanina na sabi ni daddy nililigawan ka nga daw ni kuya. Sayang nga di tayo nagpapang-abot sa munisipyo kapag dumadalaw kami nitong asawa ko." Nakangiting sagot naman ni Hanna na halatang namemesmerize kay Anne. "Lalo ka palang maganda sa malapitan." Dugtong na puri din nito.

"You're so funny, ikaw nga itong ang ganda-ganda. Pero kung babae lang ang kuya mo para kayong kambal. Magkamukha kasi kayo." Puri muli nya dito. "Actually, palagi akong dumadalaw sa daddy mo pati sa kuya mo. May nabanggit nga sila sa akin na meron pa daw silang family member na hindi ko pa name-meet. Kasi sa Manila nga daw nakatira kasama daw ng asawa na balita ko e di bet ni tito mayor noong una." Nakangiting kwento nya sabay baling ng tingin kay James. "But don't worry James, binabawi na nila yun. You're a good man pala daw. Di ko naman akalain na ikaw pala ang tinutukoy nila na James, small world noh!"

"Small world talaga, ang galing mo nga magtago e!" Sabad ni Paul kaya nabalot bigla ng katahimikan ang grupo. Pero hindi naman ito pinansin ni Anne.

"Anyway guys, please enjoy the party and thank you so much sa pagpunta nyo. I have to go now madami pa kasi akong aasikasuhin na mga bisita." Patay malisyang paalam na lamang nya. Parang wala syang narinig sa sinabi ni Paul. It seems that he doesn't exist in that circle.

Maglalakad na sana palayo sa grupo si Anne. Subalit biglang hinablot ni Paul ang isang braso nya. Kaya napahinto sya sa paglakad.

"Tatakasan mo na naman ba ako!" May gigil ngunit pabulong na sabi at pigil ni Paul sa kanya. Agad itinaas ni Anne ang ulo at tiningnan si Paul ng masama.

"Paul, stop it nakainom ka na. Wag mong sirain ang party na 'to!" Pabulong na sagot nya na nabigla sa inasal nito.

"Hindi kita bibitiwan hanggat hindi mo ako kinakausap. Gusto kong makita ang anak ko!"

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now