Chapter 38 - Papansin

216 14 6
                                    

Pagkatapos nga ng program sa kid's party ni Liam ay nakipaglaro na si Anne sa mga bata na andoon, kasama nya si Judith at Lala. Mahilig talaga sya sa mga bata kaya naman kuhang-kuha nya agad ang loob ng mga ito.

Kesa naman makipag-inuman sya ng alak sa grupo nina Ivan, mas pipiliin na lang nya makipaglaro sa mga bata. At isa pa ay naaasiwa sya kapag nakikita ang pagmumukha ni Paul. Di nya alam kung bakit inis na inis sya pag nakikita ito kahit wala namang ginagawang masama sa kanya yung tao.

Nang malapit na si Paul kina Anne ay bigla namang umalis ang magkakaibigan. Kaya nagtawanan na naman ang barkada ni Paul sa malayo. Niyaya kasi ni Judith si Anne dahil pakakantahin nito sa videoke ang best friend.

Pagbalik ni Paul sa pwesto nila ay kumakanta na si Anne sa unahan kasama ang kambal at si Yosef. Napahanga na naman si Paul at napatulala kaya siniko sya ni Lucy. "Hoy tulo na ang laway mo dyan!" Puna at panggugulat ni Lucy sa kanya dahil nakatulala sya sa direksyon ng mag-iina.

"Ito talagang babaeng 'to basag trip lagi!" Inis na sagot nya. "Ano kaya kung maki-duet ako dun 'no!" Biro pa nya.

"Ang lakas ng loob mo ha, ang panget-panget mo kayang kumanta. Kaya di kayo bagay ni Anne noh. Mas bagay sila ng kuya ko kasi magaling kumanta ang kuya ko." Pagmamalaki ni Lucy sabay siko muli kay Paul.

"Tigilan mo ako ha mas gwapo naman ako sa kuya mo noh! Tsaka, sabi ko di ba akin lang si Anne. Kita mo naman ang ebidensya, yung gwapo naming anak kamukhang-kamukha ko at ni Kyle. Kaya kami talaga ang bagay na maging family, get it!" Pang-iinis at pagdidiin nya kay Lucy.

Pagkatapos kumanta ng mag-iina ay nagpaalam na si Anne kay Judith at Ivan. Nakikipag-inuman pa rin si Ivan kina Paul kaya lumapit sya kay Ivan para magpaalam.

"Ivan, we have to go now. Salamat sa pag-invite we had so much fun." Nakangiti nyang paalam kay Ivan sabay beso dito ganon din ang tatlong anak nya. "Bye guys, nice to see you again." Baling nya sa mga kaibigan ni Ivan.

"Ihahatid ko na kayo." Lakas loob na offer ni Paul.

"No thank you, I can drive!" May taray na sagot nya sa medyo lasing ng si Paul. "Bye Kyle, it was nice to see you again, can you give me a hug!" Baling nito kay Kyle na medyo malungkot dahil aalis na sila.

"Nice to see you again din po Tita Anne. Mami-miss ko po uli kayo nina Yosef at kambal." Malungkot na sagot ng bata sabay hug at kiss kay Anne. Halatang sobrang na-miss nito si Anne. Sobra kasi itong napalapit sa kanya noon. "Sana po makapag-bonding ulit tayo like before tapos kasama na po sina Yosef." Dugtong pa ng bata.

"It's alright sweetie, malay mo magkita ulit tayo sa next birthday ni Liam. Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago ang sweet-sweet mo pa rin!" Lambing nya sa bata para hindi na ito malungkot.

"Ako din hindi nagbago!" Sabad ni Paul kaya naman sinamaan ito ng tingin ni Anne.

"Hoy lasing ka na at wala akong paki sa sinasabi mo. Paano mo iuuwi kay Mickey ang anak mo kung lasing ka na? Napaka-lasenggo mo pa rin talaga hanggang ngayon, kahit may kasama kang bata nagagawa mo pa ring mag-inom!" She murmured pero naririnig ng mga kaibigan ang sinasabi nya. Hindi lang naririnig ng mga bata dahil abala na nagpapaalamanan ang mga ito sa likod ni Anne.

"Kaya ko ang sarili ko at anak ko. Kahit nakapikit ako kaya kong mag-drive!" Pagyayabang nito.

"Ang yabang-yabang mo, di ka na nahiya dito sa girlfriend mo inom ka nang inom sa harap nya at sa anak mo, dyan ka na nga! Si Kyle ha, ingatan mo ang pagdadrive pag inuwi mo na sya." Inis pero may halong pag-aalala kay Kyle na sagot nya.

"Yes babe!" Pang-iinis na sagot nito. Yayakap sana ito kay Anne pero tinulak ito ni Anne. Buti na lang nasalo ito ni Ivan agad-agad, lasing na kasi kaya mahina na ang balanse.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now