Chapter 12 - Reunion

367 14 4
                                    

Mas maaga nagising si Paul kaya naman bumaba agad siya ng kusina dahil narinig niya na nag-uusap ang mom and dad niya habang abala sa paghahanda ng breakfast.

"Good morning mom, good morning dad!" masayang bati niya sa parents niya na abalang-abala sa kusina. "Ba't kayo ang gumagawa nyan, wala ba si Aling Norma at Aling Belen?" Pagtataka niya.

"Good morning anak! Si Anne ba tulog pa? Nasa palengke yung dalawa nak. Sila na lang ang pinapunta ko sa palengke kasi nga andito kayo ni Anne," sagot ni Lyda.

"Sweet naman ni mommy at daddy, halatang halata na na-miss nyo ako ah!" biro niya sa ama at ina sabay hinalikan ang mga ito sa noo.

"Syempre naman anak, minsan ka lang madalaw dito kaya sinusulit na namin ng dad mo."

"Thank you po talaga."

"Anak, girlfriend mo ba si Anne?" curious na tanong ni Attorney Jun. "Don't get me wrong anak ha kasi napansin namin ng mommy mo na may wedding ring siya," dugtong pa nito na nagpakunot noo kay Paul dahil di naman talaga niya alam kung ano ba sila ni Anne.

"Dad, di ko rin alam kung ano bang meron samin ni Anne. Basta ang alam ko lang po mahal na mahal ko sya."

"Anak di ka ba mapapahamak sa ginagawa nyo? Attorney ka pa naman at alam kong matalino ka at alam mo kung ano ang mga batas sa pakikipagrelasyon sa may asawa," paalala ni Lyda na biglang napaawa kay Paul dahil alam na alam nilang mag-asawa kung ilang beses ng nasaktan si Paul ng mga babae.

"Mom, dad alam ko naman po yun. Pero nagpapaka-totoo lang naman po ako sa nararamdaman ko. Masaya ang puso ko kapag kasama sya. Kaya kahit alam ko na kasalanan ang ginagawa namin hindi ko na iniisip yun. Ang mahalaga mahal ko sya at naipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal."

"Pero nak, paano kung di ka pala mahal ni Anne? Paano kung pagbalik niya sa America makalimutan ka rin nya dahil babalik na siya sa asawa niya," si Attorney Jun.

"Tsaka anak mapanganib magmahal ng isang married woman. Ikaw din ang talo sa bandang huli. Wala kaming tutol kung nagmamahalan kayo. Pero sana mahintay mo muna na maging malaya siya bago nyo ipagpatuloy ang kung anoman ang meron kayo," singit at payo ni Lyda.

"Dad, mom, di ko na po iniisip ang mga bagay na yan," sagot nya lang. "Sige po mom dad, gigisingin ko lang po si Anne," paalam niya para di na siya tanungin pa nang tanungin ng parents niya at usigin ang kanyang konsensya. Ayaw muna niyang isipin na mali ang ginagawa nila ni Anne.

Naiwan namang nagkakatinginan lang ang mag-asawa dahil alam nilang nasasaktan siya sa sinasabi nila at sa posibleng kahinatnan din ng relasyon nila ni Anne.

Kinatanghalian ay nagpaalam na si Paul sa parents nya. Babalik na sila ni Anne sa Manila dahil meron din siyang biglaang trabaho na itinawag ng boss niya. Ayaw pa sana niya iuwi si Anne sa Manila dahil gustong-gusto niya na magkasama sila.

Kaya lang ay nagyaya na rin si Anne dahil dadalawin daw nito ang parents nito sa farm. Naging masaya muli ang byahe nila hanggang sa maihatid nya si Anne sa hotel. Naghiwalay sila na masaya at nangako na magkikita muli bukas after ng trabaho ni Paul. Susunod siya kay Anne sa farm.

Pagdating sa Manila ay gusto sana ni Paul samahan si Anne sa hotel at doon na matulog. Kaso ay may trabaho siya bukas at si Anne naman ay aalis ng maaga para samahan ang parents nito sa isang kliyente nila sa farm.

Di kasi matanggihan ni Anne ang parents nito kaya nangako na lamang ito na babawi kay Paul pagbalik ng Manila sa Sabado. May reunion sila ng mga ka-batch noong high school kaya hindi pwedeng hindi ito babalik sa Sabado. Sa sobrang pagod ng dalawa sa mahaba nilang byahe ay nakatulugan na nila ang pag-uusap sa cellphone.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon