Chapter 3 - Caught

549 18 2
                                    

Makalipas ang isang oras ay dumating ang kaibigang si Judith sa bahay nina Anne. Best friend nya ito mula pa ng nagtrabaho sila noon sa Steak house restaurant. Pormal lamang sila mag-usap kapag oras ng trabaho ni Judith kaya hindi sila naghaharutan kapag kumakain si Anne doon. Bawal kasi sila makipag-chikahan sa customer. Pagbukas na pagbukas ni Anne ng pinto ay nagulat si Judith sa itsura ng kaibigan.

"Yuck bes! Ano ba yang pag-iitsura mo, daig mo pa ang nanganak!" biro ni Judith sa kanya na parang diring-diri na natatawa.

Ang gulo-gulo ng buhok ni Anne tapos pawisan pa at ang damit niya ay maluwag pa at madumi.

"Sira, naglilinis ako tsaka naglalaba, alangan namang magpaganda pa ako!" depensa niya.

"Kahapon ang ganda-ganda mo, daig mo pa ang rarampa sa Ms. Universe. Tapos ngayon para kang si Princess Sara ang munting mutchacha!" hirit pa nito na tawang-tawa.

"E hayaan mo na nga ako, ikaw lang naman ang tao dito. Oo nga pala gusto mo ba ng makakain or maiinom. May lason ako dyan gusto mo ba!" ganting pagbibiro nya sa best friend. Ganon naman sila magbiruan, balahuraan sa isa't-isa pero walang pikunan.

"Hay naku bes hindi pang lason ang beauty ko noh! Kawawa naman ang mga nagkakandarapa na mga afam sa beauty ko kapag naglason ako!" humahalakhak na katwiran nito.

"Hindi nga bes yung seryoso na, anong gusto mo?" seryoso nang tanong niya.

"Okay lang ako. Busog pa ako. Tsaka wag mo akong alalahanin, ituloy mo lang ang paglilinis mo dyan. Teka, tulungan na lang kaya kita dyan sa mga labahin mo," offer nito. Naaawa kasi ito kay Anne kaya kapag dumadalaw ito ay tinutulungan nito si Anne sa mga gawaing bahay.

"Naku bes ako na ang bahala! Ikaw, dito ka na lang at manood ng tv. Tatapusin ko lang ang nilalampaso ko sa may kusina. Maya-maya tayo magkwentuhan."

Pero ipinilit pa rin ni Judith tumulong para makapahinga na siya. Ito na ang nagtransfer ng mga labada ni Anne sa dryer para matapos na sa pagma-mop at vaccuum ang kaibigan. Nang matapos na sila sa gawaing bahay, nagkwentuhan na sila at kumain ng ginawang cake ni Anne kagabi.

"Ang sarap mo talaga mag-bake ng cake bes, the best talaga!" puri nito kahit puno pa ang bibig ng kinakain.

"Thanks bes! Sya nga pala bes may alam ka ba?" malumanay na tanong niya.

"May alam saan?" nagtatakang balik tanong nito kaya biglang napatigil sa pagsubo ng cake.

"Sa nangyayare sa asawa ko bes," may lungkot nyang sagot.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong nito.

"The other night kasi umuwi si Lui ng lasing, tapos paghubad ko ng damit nya may lipstick at amoy pabango ng babae ang polo nya, I know it's Kate perfume. Sabi nya lumabas daw sila ng mga big boss. Tapos natumba daw si Kate kaya sinalo nya kaya baka daw napadikit ang labi nun sa damit nya."

"The other night? Yan ba yung nag-meeting ang mga big boss? Tapos dumaan ka sa resto di ba?" seryosong tanong nito para makasiguro sa detalye.

"Oo daw, after meeting daw nag-inuman sila sa bar."

"Naku bes nagsisinungaling yang si Sir Lui sayo! Nag-uwian na ang mga big boss after meeting. Ang nakita kong kasama nyang lumabas e yung malaking snake sa restaurant na si Kate!" gigil na bulalas nito.

Biglang kinabahan si Anne. Pakiramdam nya ay namanhid ang tainga nya at nabingi kahit na malinaw naman ang sinasabi ni Judith.

Di sya makapaniwala na baka nga niloloko sya ng asawa nya. Pero di sya nagpapahalata kay Judith na nagbago ang timpla nya pagkarinig sa sinabi nito.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon