Chapter 37 - Mean

205 10 0
                                    

Naging successful ang anniversary party ng foundation ni Anne maliban lang sa paninira ni Paul sa gabi nya. Pero natatawa pa rin sya pag naaalala nya ang itsura ni Paul nang humigop ito ng soup na napaka-anghang.

After one week ay tinulungan nya ang mga staff nya sa foundation office na mag-sealed ng mga thank you cards for the courtesy. Ise-send nila iyon sa mga dumalo sa anniversary ng foundation at sa lahat ng nag-donate. 

Habang binabasa nya ang listahan ng mga bisita at ng mga nag-donate ng gabi ng anibersaryo ng foundation ay umagaw sa attention nya ang pangalan ni Paul. Napangiti naman sya dahil kahit pala ginawan nya ng kalokohan si Paul ng gabing yun ay nag-donate pa rin ito para sa mga bata. 

Kaya naman sya mismo ang nagsulat ng pangalan at address ni Paul sa envelope ng thank you card para dito.

Nang matanggap ni Paul ang thank you card from Unthirsty kid charity foundation ay nakilala nya agad ang hand written ni Anne. Kaya naman napangiti sya kahit sa simpleng bagay lamang na yun. 

Kasama sa envelope ang ilang picture ng mga bata sa foundation at ang picture ng mga kaibigan nila sa nasabing event. Pero natawa sya dahil tinotoo talaga ni Anne na alisin sya sa picture na nagnakaw sya ng alakbay dito. 

But the truth is, sa kanya lang at sa tropa sinend ni Anne ang mga pictures na yun. Ang original copy nito ay nasa portfolio ng foundation sa online at naka-display sa bulletin board nila sa foundation. Gusto lang talaga nya inisin si Paul kaya nya sinend yung edited picture dito.

Dahil doon ay pinagtampulan na naman si Paul ng tukso at tawanan ng mga kaibigan nya nang magkita-kita sila kinagabihan sa Tipsy bar.

"Bro, grabe natawa ako dun sa picture na pinadala ng foundation ni Anne. Inalis ka talaga nya sa picture. At ang nakakatawa pa nilagay ka nya sa sulok. Palagay ko sya lang ang nag-edit nun." Tumatawang istorya ni Anton habang nag-iinuman sila sa VIP room ng bar nila.

"Siguradong sya lang yun bro. Kasi marunong yun mag-edit ng picture sa photoshop." Sagot ni Paul na natatawa rin at iiling-iling dahil naalala na naman yung mga pictures kanina.

"Bro, sa sabado ha wag kayong mawawala sa 2nd birthday ni Liam." Basag ni Ivan sa biruan ng mga kaibigan.

"Oo nga pala noh. Teka, andon ba si Anne?" Seryosong tanong ni Paul pero excited.

"Oo naman bro pati mga anak nya syempre." Mabilis na sagot ni Ivan.

"Talaga! Mmm, gaganti ako sa babeng yun, kala nya ha." Ngingisi-ngising sagot ni Paul na tila may binabalak na masama.

"Hoy, anong binabalak mo! Wag mong sisirain ang birthday ng anak ko ha. Kung gusto nyong maggantihan ni Anne wag sa special day ng anak ko." Saway at babala ni Ivan.

"Oo nga naman bro. Tsaka kid's party yun, ano ka ba! Tapos andon pa ang anak mo tsaka si Kyle, di ba?" Sabad ni James.

"Basta, ako ang bahala guys. Promise hindi ako gagawa ng eksena." Pangako nya sa mga ito pero ngingisi-ngisi na nakakaloko.

Kinasabaduhan ay maagang nagpunta si Anne kasama ang kambal at si Yosef sa bahay nina Judith. Tinulungan nila ni Lala si Judith na mag-prepare sa party ni Liam. 3:00 PM nagsimula ang party. Saktong alas tres dumating ang mga kaibigan ni Ivan kasama ang mga asawa at anak ng mga ito. Si Paul naman ay kasama si Kyle. Pagkakita ni Kyle kay Anne ay excited na excited ito na binati sya at niyakap. Close kasi noon ang dalawa.

"Tita Anne! Kumusta po!" Masayang bati ni Kyle kay Anne sabay yakap na tila nawala syang ina nito sa napakatagal na panahon.

"Okay lang ako Kyle, ikaw ba kumusta na? Ang laki-laki mo na ah!" Masaya ding sagot nya sa bata.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon