Chapter 39 - Honesty

228 13 12
                                    

Halos hindi kumukurap si Paul sa panonood kay Anne. Kahit tawag nang tawag ang mga kaibigan sa kanya ay di nya sinasagot. Alam naman nya na sasabihin lang ng mga ito na nasa tv si Anne.

Madaming katanungan si Jevi kay Anne tungkol sa charity foundation nito at sa negosyo. Alam na yun ng taong bayan at kung anong sagot ni Anne noon sa dating interview ay sya pa ring sagot nito ngayon.

Hanggang sa humirit na si Jevi ng personal na katanungan tungkol sa naging buhay ni Anne bago naging entrepreneur at active sa pagtulong sa kapwa.

"Base on our research, ikaw daw ay nag-asawa ng maaga ngunit nauwi daw sa divorce ang inyong marriage, how true is that? Pwede mo bang ikwento sa amin yun para mas lalo pa naming makilala si Mary Anne Agustin or should I call Anne Johnson na ngayon. Dahil kamakailan daw ay ipinabalik mo na ang surname mo sa Johnson." Seryosong tanong nito sa kanya.

"Yes, it's true. Medyo napaaga ang pag-aasawa ko noong nasa US ako. Pero nagpakasal ako hindi dahil bata pa ako at hindi nagdedesisyon ng tama. Nagpakasal ako dahil feeling ko ready na ako at mahal ko ang asawa ko noon." Nakangiting sagot nya sa host.

"Balita namin malaki ang agwat ng edad nyo? At pwede ba naming malaman kung ano ang naging dahilan ng pagdidivorce nyo. Is there a third party or na-fell out of love na kayo pareho?"

"Yes, he is 10 years older than me. Well, your source is correct there is a third party kaya kami naghiwalay."

Pagkarinig ni Paul nun ay kinabahan sya. Dahil baka sya ang sabihing dahilan ni Anne kaya sila nagdivorce ni Lui. Hindi kasi naikwento sa kanya ni Judith at Ivan ang reason ng divorce nina Anne.

"Sino ang nagloko ikaw ba o ang ex-husband mo?" Diretsahang tanong ni Jevi.

"I can say people are not perfect. May mga dumarating na tao sa buhay natin na hindi inaasahan. At kung minsan hindi natin mapigilan ang tukso. Madalas yung tukso nagiging love hanggang sa nakakalimutan natin ang unang minahal natin at pinangakuan sa altar na sasamahan sa hirap at ginhawa." Sagot nya na hindi diretsahang sinagot ang tanong nito. Kaya inulit muli ng host ang tanong sa kanya.

"Well, tama ka naman dyan. At naniniwala ako na kung nagawa mong mahalin ang pangalawa mo siguradong hindi na pagmamahal ang nararamdaman mo sa una mo di ba? Pero gusto naming malaman. Who cheated, is it you or your ex-husband?" Ulit na tanong nito.

"My husband cheated on me pero pinatawad ko naman sya dahil nagdecide ako na bigyan sya ng another chance until I found out na inulit uli nya ang pakikipag-relasyon sa babaeng naging first reason ng pagchecheat nya noon."

"Wow, it means na-stress ka muna pala sa ex mo bago ka nag-decide na i-divorce sya?"

"Well not really stress. Nung una syang nag-cheat, yes i am very stress and hurt. Feeling ko ang panget-panget ko that time at ako ang may pagkukulang kaya naghanap sya ng iba. Pero pinatawad ko pa rin sya at nakita ko naman ang pagbabago nya."

"And then what happened?"

"Ayun, he move to other country. That time andito na rin ako sa Pinas, naging madalang ang pag-uusap namin. Until I finally found out na nagchecheat na naman sya at magkasama na sila sa bahay ng girl and she's pregnant by the way. I don't know why I don't feel pain anymore during those times. Maybe kasi expected ko na na mangyayari sa amin yun. Kung baga namanhid na siguro ako."

"Ang sakit naman nun. Parang kung ako ata ang nasa katayuan mo baka makapanabunot ako ng kabit!" May gigil na komento ng host. "I'm curious kung paano mo nalaman na nagsasama na sila at buntis na yung girl?"

"Actually ramdam ko na na may kakaiba sa asawa ko. Kaya I decided to hired investigator at dun ko napatunayan na totoo ang mga hinala ko. Woman's intuition really works! Sometimes it guides us into something that impossible to discover." She smiled sweetly.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon