Chapter 25 - Surprise

253 15 5
                                    

Nang makalabas na sa ospital ang daddy ni Anne ay hindi na ito pinapayagan ng doctor na ma-stress sa trabaho. Dahil kung mai-stress ito muli ay malaki daw ang possibility na ma-stroke na naman ito. Kaya naman nakiusap ang mommy at daddy ni Anne sa kanya na wag na syang bumalik sa America.

"Anak pasensya ka na kung nakikiusap kami na dumito ka na pati ang kambal. Hindi naman natin pwedeng pabayaan na lamang ang farm natin dahil dito tayo kumukuha ng ikabubuhay. At isa pa madami tayong tauhan na umaasa sa farm. Hindi ko kakayanin mag isa na patakbuhin ang farm lalo pa't umi-edad na rin ako." Malumanay na paumanhin ng ina ni Anne. Ang daddy naman nya ay nakikinig lang.

"Mom, you know that I can't say no sa inyo ni dad. Pero ang inaalala ko ay si Lui. I don't know if he gonna let us stay here." Sagot ni Anne na medyo worry sa kung anong isasagot ni Lui pag nagpaalam sya dito. Pero gustong-gusto nyang pagbigyan ang parents nya.

"Pero anak sigurado naman na maiintindihan ka ng asawa mo dahil sa kalagayan ng daddy mo." Dugtong pa ng mommy nya.

"Mommy, daddy sa amin ng kambal walang problema. Pero kay Lui hindi ko alam kung papayag talaga sya but anyway kakausapin ko si Lui pag tumawag sya mamaya. Let's wait for his answer."

Kinagabihan nga ay pinag-usapan ni Lui at Anne ang pakiusap ng parents nya. Naging maayos naman ang pag-uusap nila. Tutol man si Lui pero sa bandang huli ay pumayag din ito after makausap ang kambal na excited na excited na makapag-aral sa Pilipinas.

"Love, sana naman dumalaw pa rin kayo ng mga bata sa akin sa US. Pero ako naman siguradong dadalawin ko kayo dyan kahit once a year." Medyo may lungkot na wika ni Lui.

"Of course love! Thank you for understanding ha. Di ko kasi kayang pabayaan si mom and dad dito. Si mommy matanda na para pabayaan ko mag-isa sa farm." Pasasalamat nya kay Lui.

"I understand love, basta wag tayo mawawalan ng communication ha. Gusto ko everyday tayo mag-uusap ng mga bata." Lambing ni Lui. Sinang-ayunan naman agad iyon ni Anne.

Nang malaman ni Paul na mananatili na sina Anne sa Pilipinas ay sobrang saya nito. Dahil sa wakas ay palagi na nyang makikita ang mahal nya. Pero after 6 months ay surpresa na dumating si Lui sa Pilipinas para dalawin ang mag-iina nito. 

Sabik na sabik si Lui sa kanyang mga anak lalo na kay Anne. Kaya naman niyaya nya si Anne na magbakasyon sa Palawan na sila lamang dalawa para daw masolo nila ang isa't isa. Pumayag naman si Anne, dahil andyan naman ang mom and dad nya para mag-asikaso sa kambal. Hindi na sya nakapag-paalam kay Paul na mawawala sya ng ilang araw. Dahil kahit sya naman ay nasurpresa din sa biglaang pagdating ni Lui. 

May usapan sana sila ni Paul na magkikita sa condo ng gabing iyon. Pero hindi sya nakasipot dahil nga planado na ni Lui ang lahat ng gagawin nila habang ito ay nasa Pilipinas. Agad bumili ng new simcard si Anne para hindi sya matawagan ni Paul. Mahirap ng mabuking sya ni Lui.

Samantala pagdating sa Palawan ay napamura si Anne sa isip. Dahil ang villa na nirentahan ni Lui para sa kanilang dalawa. Iyon din ang villa na tinuluyan nila nina Judith, Ivan at Paul noon. At tila ba sinasadya ni Lui dahil yung room na tinulugan noon ni Anne ay sya ring napili ni Lui na tutulugan nila. 

Ilang beses may nangyaring pagtatalik kay Anne at Paul sa villa na yun. Kaya di sya makapaniwala na dun din napili ni Lui na mag-stay sila. Para talagang nanadya si Lui sa tingin nya. 

"Ah love ikaw ba ang pumili ng villa na ito?" Mahina ang boses na tanong ni Anne dahil hindi talaga sya komportable sa nakikita.

"Actually love I just paid it online and saw different photos of all villas here. I never expect na napakaganda nitong villa na binigay nila sa atin at malaki pa. Kaya kahit maghabulan tayo dito walang problema." Pilyong sagot ni Lui sabay halik sa kanya at alakbay.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now