Chapter 23 - Admit it

269 13 4
                                    

Kinagabihan nga ay nag-bonfire sina Anne after ng fire dance na pinanood nila. Nagkayayaan silang apat na uminom kaya naman nagvolunteer ang dalawa ni Ivan at Paul na pumunta sa store para bumili ng alak at pulutan nila. Kaya naman nakahanap ng tyempo si Judith para kastiguhin si Anne habang wala sina Ivan.

"Hoy bes umamin ka nga, kayo na ba uli ni Paul!" Kastigo ni Judith sa kaibigan.

"Bes ano ka ba, wala namang kami. I'm just being nice to him. Tsaka wala naman kaming away kahit noon pa. Kaya mahirap para sa akin na iwasan talaga sya. Isa pa wala naman kaming ginagawang masama ano ka ba!" Paliwanag nya. Halatang defensive.

"Talaga lang ha!" Di naniniwalang sagot ni Judith. "Bakit ang sweet sweet nyo lagi ha? Grabe ka bes ha, umalis lang kami ni bi pagbalik namin close na agad kayo, tapos mga wala pa kayong proper wearing na damit." Hirit pa nito na may kasamang irap kay Anne.

"Bes wala naman kaming ginawa. Inalok ko lang sya na magkape. Kasi nadatnan nya akong nagkakape, tapos nagkwentuhan lang kami. I'm just trying to be nice, okay." Nahihiyang sagot nya dahil alam nya na di ito kumbinsido sa alibi nya.

"Hindi ako naniniwala na nag-kape lang kayo at nagkwentuhan bes!" Giit pa rin ni Judith.

"Ano bang gusto mong malaman that we did something! Oh geez bes! Please stop bugging me." Medyo inis na na sagot nya. Nakukulitan na kasi sya.

"Bes ikaw ang nagsabi nyan ha. Wala akong sinasabi na yan ang gusto kong malaman. Sayo na mismong bibig lumabas yan!" May ngising nakakaloko na sabi nito.

"Wala nga bes!" Natatawang giit pa rin nya sabay kiliti sa tagiliran ng kaibigan.

"Okay if you say so!" Suko ng pagpupumilit ni Judith pero may plano sya. Lalasingin nya si Anne dahil sigurado ito na lalabas ang sekreto ng dalawa ni Paul kapag mga lasing na ang dalawang yun.

Pagdating ni Ivan at Paul ay may dala na ang mga itong alak at pulutan. Naglangoy muna si Anne at Judith bago sumali sa inuman ng dalawang lalake. Nang umahon na sa dagat ay nahalata ni Paul na medyo nilalamig si Anne kaya inabutan nya ito ng towel at binalabad kay Anne.

"Thank you!" Pasalamat ni Anne sabay tungga ng alak na nakahayin sa ibabaw ng malaking kumot na inuupuan nila sa buhanginan. Si Judith naman ay nakatingin at nag-oobserba lang sa dalawa na nagtabi na ng kinauupuan ng oras na yun.

"You're welcome. Gusto mo bang magbihis muna bago ka mag-inom?" Concern na tanong ni Paul.

"Maybe later na lang, sabay na kami ni bes pumunta ng villa. Tsaka mainit naman ang bonfire kaya maya-maya lang hindi na malamig ang pakiramdam ko."

"Ah bes, tara na kaya magbihis muna. Tutal wala namang balak magswimming 'tong dalawa na 'to kasi nakaharap na sa alak e." Yaya ni Judith sa kanya. Pumayag naman agad sya.

Pagkatapos magbihis ng dalawang mag-best friend ay agad silang bumalik kina Ivan at tinuloy ang pakikipag-inuman. Naging masaya naman ang kwentuhan nilang apat pero inoobserbahan pa rin ni Judith si Anne. 

Habang tumatagal ay nagiging mas sweet ang kaibigan nya kay Paul. Masyado ng madikit ang pwesto ng dalawa at panay na ang dantay ni Anne ng ulo nito sa balikat ni Paul na kala mo'y magkasintahan. Palibhasa nga ay tinatamaan na ng alak kaya nakakalimot na.

"Guys, mukhang lasing na ata ako, matutulog na ako. Nakakahalata na kasi ako sa inyo hindi naman kayo nalalasing. Kami lang ni Paul ang umiinom pero kayong dalawa bes panay ang pass dyan, ang daya nyo rin e noh!" Sumbat ni Anne na namimilipit na ang dila dahil may tama na ng alak, mabilis kasi itong malasing talaga.

"Bes umiinom din kami noh! Mahina ka lang talaga uminom." Sagot agad ni Judith.

"Ako mahina? Attorney sabihin mo nga dito sa best friend ko at sa boyfriend nya kung mahina akong uminom. Di ba hindi naman, alam mo yan. By the way guys itong si Attorney Paul ang toma buddy ko noon sa Manila. Napaka-protective nito sa bar, kaya walang makapormang iba sa akin noon." Walang prenong kwento nya sabay alakbay kay Paul. Halata na lasing na talaga sya dahil nagiging showy at clingy na sya kay Paul sa harap nina Judith.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon