Chapter 21 - Business as usual

275 12 4
                                    

Samantala nagkasama na naman si Ivan at Paul sa elevator ng umaga sa opisina. Halatang-halata ni Ivan na may kakaiba sa awra ng kaibigan. Kaya nagtanong agad ito habang abalang-abala si Paul na nagte-text kay Anne at pangiti-ngiti pa pag nagbabasa ng text.

"Attorney maganda ata ang mood natin ngayong umaga ah. Ibig sabihin ba nyan may masama ka na namang ginawa kagabi sa isa sa mga babae mo ha?" Biro at puna ni Ivan.

"Sira! Hindi noh!" Tanggi nya agad na natatawa.

"E bakit ang saya-saya mo dyan?" Nagtataka talaga ito.

"Basta!" Sagot lamang nya.

"Anong basta, e dati kapag may nagawa kang kasalanan kinukwento mo sa akin. E bakit ngayon naglilihim ka na." Patuloy pa ring pang-aasar nito.

"Hindi kasi kasalanan ang ginawa ko kagabi kaya masaya ako. At wala akong balak sabihin yun sayo." Pangisi-ngisi nyang sabi.

"Ay grabe naman 'to oh, nagsesekreto na."

"Basta wag mo na kasing alamin. Teka, may date ba kayo ni Judith mamayang gabi?" Pag-iiba nya sa usapan.

"Wala naman bakit mo naman naitanong?" Pagtataka ni Ivan.

"Alam mo dapat palagi mo syang inilalabas bro para masulit ang vacation nya. Kung gusto mo dalhin mo sya sa rest house ko sa Tagaytay. Kahit dun pa kayo matulog. Ito ang susi ko kunin mo na wag ka ng mahiya." Suhestyon nya at kumbinsi dito para ng sa ganon ay makasama nya muli si Anne.

Nagtataka man si Ivan ay pumayag na rin ito dahil gusto rin nitong makasama si Judith. "Iba ka talaga bro, sigurado matutuwa ang bebe ko nito. Teka, pwede bang tawagan mo yung katiwala mo dun? Sabihin mo palitan ang tubig ng pool magsu-swimming kami ng bebe ko." Hirit pa ni Ivan.

"Naku bro don't worry, bago mo naisip yan nagawa ko na. Nagpalagay na rin ako ng chocolate at roses sa guess room na tutulugan nyo, ang lakas mo sa akin e!" Ngiting-ngiting sagot nya na ikinasiya naman lalo ni Ivan.

"The best ka talaga bro, saktong sakto monthsary namin today. Oi maaga ako lalabas ng work ha ibibili ko pa ng gift ang bebe ko syempre!" Pakiusap nito na may napakalaking ngiti.

Samantala si Judith naman ay maagang nagpunta sa hotel na tinutuluyan ni Anne. Yayayain nito kumain ng breakfast ang bestfriend at pumunta sa mall para ibili ng gift si Ivan.

"Bes, get up!" Bungad ni Judith dahil humiga ulit si Anne sa kama pagkabukas ng pintuan para sa kanya.

"Bes pagod pa ako, manood ka na lang ng TV dyan!" Sagot ni Anne na tila pagod na pagod talaga.

"Pagod!? Saan ka naman napagod e andito ka lang naman sa loob ng hotel buong gabi?" Pagtataka nito sabay bukas sa mini fridge na nandoon para uminom ng malamig na tubig.

"Nag-gym ako kanina kaya ang sakit ng katawan ko." Dahilan nya.

"Ano ba yan bes, bakit naman bumubuhat ka ng mabigat kung di naman pala kaya ng katawan mo!" Sermon nito. Nakapamewang pa habang umiinom ng tubig.

"Akala ko kasi kaya ko yung barbel kaya tinatry ko. Napilipit ata ang buto ko sa likod, ang sakit e."

"Hay naku bes! Halika nga imamasahe kita." Alok ni Judith.

"Wag na ano ka ba! Mamaya-maya okay na ako ibabad ko lang 'to sa hot tub." Alibi nya para hindi magpumilit si Judith. Makikita kasi ng kaibigan ang kalokohan ni Paul. Nilagyan sya nito ng mga kiss mark sa may bandang dibdib nya. At sigurado sya na baka meron pa sya sa ibang part ng katawan nya kaya todo tanggi sya sa kaibigan.

"Ano ba yan bes gusto ko pa naman kasama ka kumain ng breakfast, di ka pa ba nagugutom?" Pagtatampo kunwari nito.

"Nagugutom, pero mamaya na lang tayo kumain ng brunch. Magpapahinga lang ako bes ha." Kumbinsi pa nya.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon