FY2

3K 60 5
                                    

Its Monday and that means school again. Kanina pa kumakatok si Nanay Elsa sa kwarto ni Alyssa pero hindi niya yun binubuksan.

"Napaka tulog mantika talaga ng batang ito." Sabi niya at binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi. Lahat ng duplicate ng mga kwarto nila ay siya ang nagtatago.

"Ayaw na naman magbukas, nay?" Tanong ng kakatapos lang maligo na si Nicko bago pa makapasok si Nanay Elsa sa kwarto ni Alyssa.

"Ay naku, oo. Eto nga at papasukin ko na." Sagot niya.

"Good luck, nay." Natatawang sabi ni Nicko tas bumaba na para kumain.

Pagpasok ni Nanay Elsa, nakita niya si Alyssa na tulog na tulog pa nga at mukhang walang balak gumising kung hindi niya gigisingin.

"Ay siya, Alyssa, bumangon ka na diyan. Tanghali na oh. Andun na sa baba ang mga kapatid mo." Sabi ni Nanay Elsa at hinila yung kumot ni Alyssa tas inalog-alog siya. "Aba, oy, bata ka talaga. Bangon na diyan!"

"Hmm.." Sabi lang ni Alyssa.

"Dalian mo na at iiwanan ka ng mga kapatid mo." Sabi ulit ni Nanay Elsa and this time, minulat na ni Alyssa yung isang mata niya at nginitian si Nanay Elsa.

"Good morning, nay!" Bati niya.

"Aba, anong meron at parang ang saya mo?" Takang tanong ni nanay.

Naupo si Alyssa sa kama niya, "Wala naman, nay. Napanaginipan ko kasi si mommy." Nakangiting sagot niya.

"Ay kaya pala masaya. Oh siya, sige sige. Maligo ka na at ako na ang bahala dito sa higaan mo." Sabi ni Nanay Elsa.

Naligo naman na si Alyssa. Mabilis lang naman siya maligo kaya pagbaba niya ay saktong paalis pa lang ang mga kapatid niya na balak na nga sana talaga siyang iwan.

"Kuya, wait lang!" Sabi niya habang pababa ng hagdan.

"Drive ka na lang ng iyo or pahatid ka kay Tatay Max, malelate kami pag hinintay ka pa namin eh." Sabi ni Paulo.

"Yan kasi. Kanina pa ginigising eh." Sabi naman ni Nicko.

"Hindi. Sa school na lang ako kakain. Magbabaon na lang ako nito." Sabi ni Alyssa sabay kuha ng tinapay sa mesa tas nilagyan yun ng hotdog.

"Oy, Alyssa, kumain ka ng kanin!" Sabi ni Nanay Elsa habang palabas na si Alyssa.

"Wag na po, nay. Sa school na lang. Bye po." Sabi niya at niyakap si Nanay Elsa. Lagi niya yung ginagawa pag papasok siya. Ginagawa din naman yun ng mga kapatid niya pero hindi palagi. "Tara na?"

"Saya mo ata?" Sabi ni Nicko.

"Oo nga, ate. Diba pag umaga, masungit ka tsaka walang energy?" Sabi rin ni Kian.

"Dahil siguro dun." Sabi ni Paulo at tinuro yung katapat na bahay gamit ang nguso niya. Andun si Den, nakatayo. Nakilala na rin siya ng mga kapatid ni Alyssa kahapon kasi binigyan sila nila Den ng spaghetti naman na niluto nila. "Hi, Den! Sabay ka na samin!"

"Hi, Kuya Paulo! Hi, Kuya Nicko! Hi, Kian! Hello, Alyssa!" Bati ni Den sa kanila.

"Pag si Ly, hello." Bulong ni Nicko na si Paulo lang ang nakarinig kaya natawa sila.

"Hi, Ate Den! Sasabay ka samin?" Kian asked.

"Ay, no, baby boy. Kasabay ko kasi mga kapatid ko eh. Ihahatid na lang kami ni mommy muna." Den answered. "Sige, bye! Ayun na sila eh." She said and sumakay na sa kotse nila.

Dahil magkakasabay naman na sila, nagpahatid na sila kay Tatay Max. Dapat kasi, papaiwan na siya para maghatid kay Ly at si Nicko or Paulo na lang nag magdadrive sa kanila. Habang asa daan, nakikinig lang ng music si Ly. Hindi niya naririnig na pinag-uusapan siya ng mga kasama niya sa sasakyan kasi sinsubukan niya ring makatulog.

Fix YouWhere stories live. Discover now