FY3

2.7K 62 1
                                    

Alyssa's been very busy for the past week. Nagbotohan na ulit for the CSG and as expected, nanalo ulit siya. May program na gaganapin for reading month and since siya nga ang president ng student council ay siya ang nag-aasikaso nun. Idagdag pa na close sila ni Ms. Rose kaya she's asking for her help talaga. Tas nagrequest pa ng intermission from their band.

"Shit." Sabi niya at umub-ob na lang sa table sa canteen.

"Anyare?" Bulong ni Bea sa mga kaibigan nila. Kasama rin nila dito si Thirdy at Gretch kasi may practice sila after nila kumain.

"Stressed." Sagot naman ni Mika.

"Nung Monday pa yang busy eh." Kiefer said. "Tara, bili na tayo."

"Ikaw, Ate Ly? Bibili ka ba?" Tanong ni Bea sa kanya pero di siya sumagot.

Sinilip ni Thirdy yung mukha niya, "Tulog na." Sabi niya. "Bilhan na lang natin ng pagkain."

Umalis na silang lahat at naiwan si Ly na natutulog dun. May mga babae namang nakatingin sa kanya at parang gusto siyang lapitan pero nahihiya. Hindi kasi nila alam kung tulog ba siya o ano kasi di mo naman kita yung mukha niya kung di mo talaga lalapitan at sisilipin.

"Hoy!" Sigaw ni Den tas hinampas pa yung table kung saan nakaub-ob si Ly.

"What the?!" Sabi ni Alyssa pagkatunghay niya.

"Tulog ka na naman?" Tanong ni Den at naupo pa sa tabi niya.

"Baliw ka, Den. Ang sama ng tingin nila sayo." Sabi ni Ella at umupo rin sa tapat ni Ly. "Hi, Ly! Good morning!"

"Good morming, Ella." Bati rin ni Ly sa kanya.

"Ako, walang good morning?" Tanong ni Den.

"Wala. You woke me up." Ly answered. Den just chuckled.

Medyo close na din kasi sila. Nakilala na rin ng barkada si Den kasi nung isang beses na may practice sila Ly kila Ella eh saktong andun din si Den. Sa baba kasi ng bahay nila Ella yung studio na pinaparent sa mga banda na magpapractice or sa mga magbabarkada na gusto magjamming.

"Uy, Den, Ella." Bati ni Gretch sa kanila. "Boi, kuha ka ng upuan dun. Di tayo kasya." Sabi niya kay Thirdy. Naghila naman siya ng dalawang upuan at dun sila naupo ni Bea. "Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa. Bibili na nga kami eh etong si Den, binuwisit pa si Ly." Ella answered.

"Oh, edi tara na." Sabi ni Den at tumayo tas umalis sila ni Ella para bumili.

"Ay, boi, eto pala pagkain mo oh. Binili ka na ni Bea." Sabi ni Thirdy at inabot kay Ly yung burger na mamaya pa dapat nila ibibigay pagkagising niya.

"Crush mo talaga ako, no? Salamat." Sabi ni Alyssa.

"Boi, si Lau oh!" Turo ni Ara sa naglalakad na si Lau.

"Oo nga." Parang walang paki na sabi ni Alyssa.

"Wow, boi. Kumalma ka nga, baka maubos energy mo niyan ah." Sarcastic na sabi ni Kim. Natawa na lang sila dun.

"Move." Den said. Si Ella, umupo na dun sa inuupuan niya kanina.

"Ha?" Sabi ni Ly.

"Move. I said, move." Den said at tinuro pa yung dulo ng upuan.

"Where? Mahuhulog na ako oh." Sabi ni Alyssa.

"That's the plan." Den said and siniksik si Alyssa sa upuan.

"Ugh." Ly just said and umusod na kahit kalahati na lang ng pwet niya yung nakaupo. "Lilipad ka ba? Yang pakpak mo oh." Sabi niya. Bukang-buka kasi yung mga braso ni Den.

Fix YouWhere stories live. Discover now