FY10

2.2K 42 1
                                    

The next day, Alyssa woke up feeling down. Di man lang niya na-explain yung sarili niya kay Den and what makes her feel bad even more is the fact that she knows na its her fault. From not looking sa dinadaanan niya, to letting Cha wear the shirt, accompanying her sa CR and to going home and letting the day pass ng di nila napag-uusapan ni Den yung nangyari.

"Aly, anak! Baba ka na at kakain na!" Tawag ni Nanay Elsa. Ready na siyang buksan ang pinto pero sumagot na si Alyssa.

"Opo, nay. Sunod na po ako." Sabi niya.

"Aba, himala." Sabi ni Nanay Elsa sa sarili niya. "Sige, hintayin ka namin ah!"

"Opo." Sagot ni Alyssa at bumaba na.

Pagbaba niya, wala na ang daddy nila.

"Maagang umalis ang daddy mo kasi may meeting daw sa malayo." Sabi ni Nanay Elsa kahit di naman niya tinanong. Hindi na lang siya sumagot at nagsimula ng kumain.

"Ate, san ka nagpunta kagabi? Bat si Kuya Nicko nagturo sakin sa math?" Kian asked.

Ly slightly smiled, "Gumawa din kasi ako ng homework ko, Kian. Marunong naman si kuya, diba?"

"Opo. Magkatulad lang pala kayo ng alam. Akala ko mas magaling ka." Kian said and everyone laughed, even Nicko.

"No, Kian. Mas magaling si Kuya Nicko sakin. Pati si Kuya Paulo. Diba?" She said.

"Oo naman. Kahit multiply at divide, kayang-kaya namin yun!" Paulo said.

"Wala pa kami dun, kuya. Advance ka naman eh." Kian said at tumawa.

After nun ay nagpatuloy na lang sila sa pagkain. Alam naman kasi nila, except kay Kian yung nangyari kagabi. Katapat lang nila ng bahay sila Den and narinig nila na nagsisisigaw si Alyssa dun kagabi. Pero wala ng naglakas ng loob na makipag-usap sa kanya. Hinayaan na lang nila na magpahinga siya sa kwarto. Alam naman ng mag-asawang matanda na normal ito at lahat naman ng relasyon ay dumadaan sa ganito. Ang masama nga lang ay nangyari agad kahit hindi pa sila.

"Tara na, Aly!" Tawag sa kanya ni Tatay Max.

"Ah, sige po, tay. Una na po kayo. Hintayin ko po si Den." Sabi ni Alyssa.

"Sure ka?" Nicko asked.

"Yup." Sagot niya.

"Wag ka na matakot kay tita ah?" Paulo said and chuckled. "Balitaan mo kami."

"I will." Ly said. "Bye, Kian!"

"Bye, ate! Galingan mo ah!" Kian said.

"I'll do my best." Sabi na lang ni Alyssa kahit di niya alam kung san galing yung sinabi ni Kian. Tinuro yun ng mga kuya niya kanina nung asa kwarto siya.

"Sige, una na kami, Aly." Sabi ni Tatay Max at umalis na sila.

Si Alyssa naman, naghintay na lumabas sila Den from their house. She noticed na wala na yung sasakyan nila, so that means, nakaalis na ang mommy nila. Maybe, she's part of the meeting. She went infront of the house and opened the gate tas naupo lang sa upuan sa labas ng bahay nila Den, without even letting anyone inside know. She's feeling confident. Kung kagabi, takot na takot at kabang-kaba siya, ngayon hindi na. Di siya masyado nakatulog kagabi and narealize niya na mali talaga siya and she shouldn't have let it na tumagal pa. May dumaan pang nagtitinda ng tinapay na lagi nilang binibilhan ni Den kapag nagjo-jogging sila, kaya tinawag niya at bumili siya tas bumalik sa inuupuan niya kanina. Medyo matagal na siyang naghihintay pero di pa rin lumalabas sila Den. She looked at her watch and malapit na mag-8. She tried to look inside through the window and patay lahat ng ilaw.

"Wala na ba sila?" She asked herself.

"Alyssa?" Sabi ni Ate Ana and she already knew the answer to her question. "Kanina ka pa ba diyan? Nakaalis na sila. Hinatid ko na nga si Mosh eh. Maaga kasing umalis si ma'am."

Fix YouWhere stories live. Discover now