FY4

2.6K 54 0
                                    

Sunday ngayon at tulog na tulog pa si Alyssa kasi napuyat siya dahil kay Den. Magdamag lang naman silang magka-video call, talking about random things. Alyssa being the more antukin one between the two of them have slept so many times but Den always wakes her up. Inabot na sila ng 3am sa pagkukuwentuhan. Hindi rin naman maagang natutulog si Alyssa pero hindi naman siya inaabot ng umaga, pinakalate na niya yung 12 midnight. She a weakshit. Lol. Si Den naman dahil sanay na nagpupuyat ay maaga pa ring nagising.

"Good morning, mom!" Bati ni Den sa mommy niya.

"Good morning, ate! Kain na." Sabi ng mommy nila. "Gisingin ko lang yung dalawa."

Naupo na si Den sa dining and hinintay na makababa ang mommy at mga kapatid niya. While waiting, napapasabay pa siya sa music kasi nagpapatugtog yung mommy niya.

"Mommy, bat ganan yung music? Pang matanda." Sabi ni Mosh habang pababa ng hagdan at nagkukusot pa ng mata.

"Sunday kasi, Mosh. Ganun talaga." Den said. "Come here na, dali!" Tumakbo naman si Mosh pababa at niyakap ang ate niya. "Good morning!"

"Good morning, ate!" Sabi rin ni Mosh.

"Sweet." Sabi ni Jus na kabababa lang.

"Inggit ka naman?" Den joked. "Good morning, lil' sis!"

"Good morning, older sis!" Sabi ni Jus.

"C'mon, lets eat na. We'll go sa church after." Sabi ng mommy nila.

They started eating na at naligo pagkatapos. After nila, lumabas na sila para pumunta sa simbahan. They walked lang kasi sabi ng mommy nila, exercise daw. Pagdating nila dun, nakita nila si Nanay Elsa.

"Nay Elsa!" Bati ni Den at nagmano siya.

"Ay, Dennise. Magsisimba rin pala kayo, sana'y nagsabay na tayo." Sabi naman ni Nanay Elsa. Nagmano rin naman sa kanya yung mga kapatid ni Den pati yung mommy niya.

"Is Kian with you po?" Mosh asked. Gustong-gusto niya kasi kalaro si Kian. He's 6 and Kian's 7, you can't blame them if they want to always play with each other.

"Ay, oo. Andun na sa loob, kasama ang mga kuya niya at si Maximo." Sagot ni Nanay Elsa.

"Eh bakit pa ho kayo andito sa labas? Tara na ho sa loob para makaupo tayo." Sabi ng mommy ni Den.

"Ay hinihintay ko pa si Alyssa. Tanghali na kasing nagising kaya nauna na kami. Naliligo pa nung umalis kami at susunod na lang daw." Sagot ni Nanay Elsa habang palinga-linga at inaabangan si Alyssa. "Gabing-gabi na kasi yata natulog ang batang yun. Tsk."

Napatingin naman si Jus kay Den kasi alam niya na magkausap yung dalawa buong gabi. Nag-ngitian na lang sila.

"Ah, nay, ako na lang po maghihintay sa kanya. Pasok na po kayo para makaupo na." Den said and smiled.

"Sigurado ka?" Tanong ni Nanay Elsa.

"Opo, nay. Sige na po. Sunod po kami agad pagdating niya." Den said. "Sige na po, mommy. Just reserve seats for us."

"Sige, bilisan niyo ah." Her mom said. "Tara na ho, nay."

Den just stood there while waiting for Alyssa. Malayo pa ay nakita na agad siya ni Den. Medyo malabo man ang mata niya, alam niyang si Alyssa yun dahil sa tindig nito. Habang papalapit naman siya ay kitang-kita ni Den na inaantok pa rin siya. Nakatungo pa nga at parang tamad na tamad habang naglalakad.

"Hoy!" Sabi ni Den at pumadyak pa nung asa harap na niya si Alyssa pero hindi man lang siya nakita at dire-diretso na sanang papasok. "Hoy!" Sabi niya ulit at binatukan si Alyssa.

Fix YouWhere stories live. Discover now