FY45

1.1K 25 2
                                    

Alyssa was discharged of the hospital already. She's now resting pero sa bahay nila. Her dad decided na dito na muna siya since Friday naman nung nakalabas siya at he said na this weekend, dito muna siya. Wala na rin siyang nagawa since daddy niya na ang may sabi.

"Aly, gising ka na ba?" Nanay Elsa asked. Alam kasi niya na maaga na itong magising. Nasanay na rin sa dorm.

"Opo, nay. Pasok po kayo." Ly answered at pumasok nga ang matanda na may dalang pagkain niya. "Ay, dinala niyo pa, nay. Sa baba na lang po sana ako kakain eh."

"Ay, naku hindi. Magpahinga ka lang dito at ako na ang bahala sayo." Sabi naman ni Nanay Elsa. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Okay lang po ako, nay. Wag na po kayo mag-alala sakin, magaling na po ako." She answered and flexed her muscles na muscles na talaga ngayon.

"Ikaw talagang bata ka!" Nanay Ela said while shaking her head. "Si Dennise, parang hindi pumupunta dito? Nung Biyernes lang ng gabi tas di na bumalik?" Nag-iba naman ang mukha ni Alyssa. Biyernes nga kasi siya nakauwi at Linggo na pero hindi pa ulit bumabalik si Den dito.

"Ah, busy po kasi yun, nay. Graduating na po sila ni Ella, diba." Ly answered.

"Ay, oo nga pala. Oh siya, sige. Tawagin mo na lang ako pag tapos ka na diyan, ha?" Nanay Elsa said.

"Sige po. Thank you, nay!" Ly said. Tumayo na si Nanay Elsa para lumabas but Ly spoke again. "Nay!"

"Oh?"

"I love you." She said and smiled.

Nanay Elsa walked back to her bed and hugged her, "I love you too, nak." She said.

"Oh, nay. Nag-I love you lang po ako. Wag po kayong iiyak!" Biro ni Alyssa.

"Hahaha. Ikaw kasi eh!" Sabi ng matanda at pinahid ang luha niya.

"Sabi ko wag eh!" Ly said and they both chuckled.

"Sige na, sige na. Ubusin mo yan ha." Nanay Elsa said and tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Nanay Elsa, nagsimula na siyang kumain pero hindi mawala sa isip niya yung tanong ni Nanay Elsa kung bakit di nagpupunta si Den dito. Ang totoo kasi, magkaaway sila. After kasi nung nagpunta sa ospital ang mga kaibigan nila, nagstay pa ulit siya sa ospital ng isang araw bago nakauwi. Nung Friday na yun, habang nag-aayos ng papers sa paglabas niya ang mga kuya niya, Doc Raf told her to go to his office para makapag-therapy sila. Ginawa nila yun ng isang beses sa room ni Alyssa pero its not as effective daw kasi kapag dun, ang asa isip ni Alyssa is patient siya because she's sick physically pero pag asa office ni Doc Raf, madaling ma-adress na they're treating her OCD. So ayun nga, nag-therapy si Alyssa and halos isang oras din yun. Nung araw na yun din pinaka nagshow yung attacks at mga routines niya. Pero, eto na nga. Lol. Nag-away sila kasi tawag ng tawag si Alyssa kay Den pero hindi siya sinasagot. Hinayaan na lang niya, thinking na she's just busy. Siyempre, graduating nga eh. Sige lang. Ayaw din naman niya magdemand masyado kasi tama si Den. She'll be needing her more sa mga susunod na araw, linggo or buwan because of her OCD. Ayaw niya namang bago dumating yun ay ubos at pagod na si Den. Nakauwi siya ng di man lang nakakausap si Den. Pero she texted her kasi baka pumunta pa sa ospital eh asa bahay na nga siya. Tumawag ulit siya pero wala pa rin. Nag-scroll siya sa Instagram and saw a post from one of LA's friends. Its his birthday pala nung Friday and Den was with him kaya siguro hindi siya masagot sa tawag. Okay, sige. He's her boyfriend, after all. But what really made Alyssa mad is when Den came, drunk. She even lied to her and told her na classmates niya ang kasama niya. Nainis lang si Ly na makitang lasing si Den tas nagsinungaling pa. Bumalik naman talaga si Den dito nung Sabado ng umaga pero ayaw naman siya kausapin ni Alyssa kaya ayun di na nagtry ulit.

Fix YouWhere stories live. Discover now