Chapter Six

12 6 0
                                    

Maaga akong pumasok kinabukasan.

Tahimik lang ako kanina habang nag-aalmusal kami.

While my Mother and Zariyah are talking about random things, I just listened, and most of the time, pass out.

They don't mind though. Hindi naman kasi talaga ako kasali sa mga pag-uusap nila.

Napalilingon lamang naman ang Mommy sa gawi ko kapag may napapansin siyang mali.

But I tried to make everything feel light.

Even if I'm madly affected.

"Bye, Zophi!" Si Zariyah na humalik pa sa pisngi ko matapos kaming ihatid ng driver pa-puntang university.

Kumaway pa siya bago tuluyang salubungin ang mga kaibigan at kaklase niya.

I looked at them first. They're pretty, and their fashion is always at the right senses.

Hindi ko alam kung anong pinagkaiba ko sa kanila. Why do I have to be set aside, and others aren't when I am no really different from them.

Napaangat na lang ang sarili kong kilay sa mga naisip.

Ang pangit naman ng umaga ko at ganitong mga isipin agad ang laman ng utak ko.

Dapat pala inabala ko na lang ang isip ko ka-aadvance reading.

That's way better than self pitying.

I almost roll my eyes.

If only I am not in a public place, I won't bother stopping my self from rolling my eyes all over until it struck out off it's socket.

Tinatanguan ko ang mga propesor na nakasasalubong at hindi naman binibigyan ng tingin ang mga estudyante.

Minadali ko na ang pag-punta sa una kong klase kahit mukhang maaga pa naman.

Agad akong dumiretso sa puwesto ko at napakunot noo nang may mapansin sa upuan.

What's that?

Lumingon-lingon muna ako sa paligid at nakitang wala namang nakatingin sa gawi ko.

Kakaunti pa lang naman ang tao sa loob ng room at halos lahat ay abala sa kanya-kanyang mga gawain.

Mayroon pang gumagawa yata ng take-home activities.

I rolled my eyes inside my head.

Take-home na nga, sa room pa ginawa.

Alright, I waved that thought away. Malay ko ba sa mga kadahilanan nila.

Umiling na lamang ako at nagpasya nang umupo dahil parang may nakakapuna na sa matagal kong pag-tayo sa harap ng upuan ko.

Kakaunting mga sulyap lang naman. Nagtataka siguro kung bakit hindi pa ako umuupo.

I was about to ask kung kanino iyong box na nasa upuan ko nang mapansin ang maliit na note.

ZA G. N

It was my initials.

Hindi naman kalakihan ang kahon. It was probably just the size of a regular notebook. Kaya hindi ito masyadong kapansin-pansin kapag nasa malayo ka lalo't sa mismong upuan naman ito nakalagay at hindi sa armrest.

Kinuha ko ito bago pa may makapuna.

Not that I'm expecting for an attention to be laid on me, but what do I know?

Sinipat ko ang kahon nang maayos na akong nakaupo.

It was in a dark shade of red. Almost maroon, but just a little bit lighter.

Against All BoundariesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant