Chapter Fourty-Five

11 5 0
                                    

Hinampas ako ni Mariel nang dumating na siya sa malimit naming pinag-kakainan.

Simula nang makita niya si Noah, hindi niya na ako tinantanan ng mga tanong tungkol sa kapatid ko.

"I told you, hindi ko alam, Joseffa."

But even my 'power' over her didn't seem to falter her glee over this. At talagang hindi man lang siya napagod na kulitin ako ng maraming-maraming katanungan tungkol kay Noah.

Sinasagot ko naman ang iba. Pero wala siyang magagawa kung wala talaga akong sagot sa ibang mga tanong niya.

I eyed her ridiculously when she started pouting.

This brat.

Kung hindi lang magkatugma ng kaunti ang ugali namin ay hindi ko siya matatagalan.

Nga lang, devils with same tails, nests in the same flames.

"I should at least know the face, Zophi. Para naman malaman ko kung sino sa'min ang mas maganda."

She started again.

Napa buntong hininga na lang ako kay Mariel.

Talagang hindi niya yata ako tatantanan.

Kapag ako na-inis dito bibigyan ko 'to ng kahit kaninong litrato.

But of course, I didn't do it.

"Hindi nga sa akin nababanggit ni Noah, Mariel. Isa pang pilit mo, at sisiguruhin kong malalaman ni Noah." Nadala naman siguro siya ng pag-babanta ko dahil tumigil na nga siya at natahimik.

But I guess it wasn't entirely what shut her up.

Bahagya akong nagulat nang tumayo siya.

May kaunting ngisi sa kaniyang labi nang lumingon siya sa likod ko at balik sa akin ang tingin. Mapanukso at nasisiguro ko na kung ano iyon.

"Tirhan mo 'ko ng Ferrero, ah? Bye!" She even flipped my hair once then moved out of the snack bar.

Naka talikod ako ngayon mula sa entrada ng kainan kaya naman hindi ko kita kung sino ang paparating.

But judging her words and actions, hindi na ako dapat na magtaka pa.

Nang unang araw na makita niya si Noah, ay saka niya lang nalaman ang tungkol sa amin ni Ezrhael. Nalaman ko ring magkakilala na pala sila dahil din ng kilala raw ni Ezrhael ang Mayor at nakilala niya na rin dahil sa kaibigan niyang si Mikael. But she's not really close to Ezrhael kaya naman pinagpapalo niya rin ako dahil hindi ko naikuwento sa kaniya ang mga tungkol doon. Ang sabi niya ay ang dami ko pa rin daw tinatago. But, aside from that, wala naman na akong hindi pa nasabi sa kaniya. I just didn't mention Ezrhael to her cause I still find it sensitive, then. At si Noah ay hindi ko na isinali sa kuwento dahil . . . naisip ko na rin ito noon. Pero meron na nga kasi si Noah. Baka kay Daddy na lang talaga si Mariel.

I almost laugh with my own thoughts.

Silly.

Pero nadapuan yata ako ng kaunting kaba nang maupo na si Ezrhael sa harap ko.

Agad na bumaba ang mga mata ko sa dala niya.

We've already agreed about not giving me things when we're here in the university's premises. Hindi ko siya pinansin nang unang beses niya akong bigyan ng bulaklak dito dahil nakatiyawan ako nila Jodi nang nakita nila. Sinabi ko sa kaniyang hindi na kailangan ng mga ganon, at alam niya naman iyon matagal na.

That's why he probably settled with this.

Pero kahit na. Tinaliman ko siya ng mga mata.

"I thought I already cleared things about this?"

Against All BoundariesWhere stories live. Discover now