Chapter Thirteen

13 4 0
                                    

Ezrhael:

Good morning, I hope you are now feeling better.

Nakapagpahinga ka na ba?

Please, don't forget to take care of yourself . . .

Pinagmamasdan ko ang mga mensahe ni Ezrhael.

Kanina pang alas sais ng umaga ang mga iyon.

It's almost eight in the morning at kani-kanina lang ako nagising. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay saka ko lamang nagawang tingnan ang phone ko.

Ako:

Good morning. Sorry late reply. Kagigising ko lang. I had a long sleep. Kaya medyo nakapag-pahinga na rin. I'll be fine, so please don't worry too much about me. 'Bout you? Baka hindi ka na nakapag-pahinga kaiisip mo sa'kin?

Napangisi ako ng kaunti at ni-send iyon.

Nais ko sanang pagaanin ang umagang ito, kaya hindi ko muna iisipin masyado ang mga bumabagabag sa akin. Kahit pa napakaimposibleng kalimutan at ignorahin, pansamantala kong gagawin.

I want a break.

And I need it.

Sinadya ko ring pagaanin ang tono ng aking reply para naman mapanatag na kahit kaunti si Ezrhael.

I wasn't expecting for him to reply immediately kaya nagulat ako nang tumunog ang phone ko bako ko pa ito mailapag sa study table ng kuwarto ko.

Agad ang reply niya.

Ezrhael:

Can I call?

Tinitigan ko iyon.

Bahagya akong napangiti.

Ako:

Do you really need to ask me for a permission?

Agad-agad ang reply niya.

Ezrhael:

Just wanna make sure I don't bother you . . .Can I call you now?

Nagtipa ako ng sagot.

Ako:

Of course. Dalian mo, naiinip ako.

Nakangisi ako nang pinindot ko ang send button.

Agad ring nagring ang phone ko.

Sinagot ko iyon.

"Good morning." Bungad niya sa akin. His voice is kind of husky and very manly over the phone. Its very pleasing for my ears.

"Binati mo na po ako kanina, Ezrhael." Unti-unting lumalaki ang ngisi ko.

"Gusto ko lang ulitin. Besides, that was just a text message, so this is way better. How are you again, anyway?"

Inikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Tapos ka na rin pong mangumusta, at sinagot ko na."

"Hmm. You didn't even sound fine." Puna niya.

Napakunot ang noo ko.

"I'm fine, Ezrhael. I don't have any reason not to be." Labas sa ilong ang dating ng sinabi kong iyon para sa akin. At nasisiguro ko ring natunugan niya iyon gayong siya nga ang unang nakapuna.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga.

"I really hope you're fine now. If only I can't hear your teasings a little bit forced."

Hindi ko siya sinagot. Kaya nagpatuloy siya.

"How are you and your Mom? Are you now . . . cool?"

Against All BoundariesWhere stories live. Discover now