Chapter Thirty-Five

9 4 0
                                    

Nag-patuloy ako sa pag-iyak.

Muli, ay tila isa akong musmos na walang wala at takot na takot sa maraming bagay sa mundo.

But I was thankful of the arms that are comforting me.

I am thankful of the strength and the safeness it radiates and make me feel.

I'm thankful of my Dad.

But still is nervous about what might be his opinion of me if I tell him the devils I have inside me.

Hindi ko alam kung gaano katagal.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nahinto at naiyak muli.

Hindi ko alam kung gaano ka raming luha ang nailabas ko.

Hindi ko alam kung paano.

Pero nagawa kong sabihin sa kanila.

Nagawa kong isiwalat.

Inilarawan ko lahat.

Kung anong nangyari nang gabing iyon.

Kung anong nagawa ko nang gabing iyon.

Kung gaano ako nagpalamon sa kasakiman.

Kung paanong inggit ang pinairal ko sa kabila ng kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita sa akin ni Zariyah.

Wala akong itinira.

Wala akong kinaligtaan.

Lahat ay sinabi ko sa kanila.

Kung ano ang ginawa ko. Kung paano ko iyon ginawa. At kung bakit.

Walang ibang nangahas na mag-salita sa gitna ng haba at tagal ng pag-kukuwento ko sa kanila.

Walang nanghusga. Walang tumigil sa akin.

Hinayaan nila akong sambitin lahat.

Maging mula ng pag-kabata ko.

Parang bata akong nagsumbong.

Kung paanong puro kamalian ko ang nakikita ng Mommy.

Ni hindi ko ipinagdalawang isip na sabihin sa kanila kung gaano ako kainggit sa mga kapatid ko.

Lalo na kay Zariyah.

Hindi ako nahiyang sabihin sa kanila kung gaano ako ka desperada para sa atensiyon ng Mommy.

Na kung paanong tila ang bagay na iyon ang pinakamahalaga sa akin.

Na tila ba buong buhay ko ay iyon ang ninanais kong makamit. Ngunit ni minsan ay hindi ko nagawang makuha.

Kung paanong buong buhay ko ay gusto kong makaramdam ng pagmamahal ng isang magulang. Ngunit ni minsan ay hindi ko nakuha.

Kung gaano ako naghahangad ng pagmamahal at kahit ni katiting na apeksiyon.

Kung gaano ako kainggit sa mga taong mayroon no'n.

Dahil wala ako no'n.

Kahit pa iyon ang pinakamahalaga sa akin.

Hinintay kong may magsalita nang matapos ako.

Hinintay kong may bumato ng mga panghuhusga sa akin.

Hinintay kong may kumutya o pumuna ng lahat ng kasalanan, kamalian, kamangmangan at katiwalian ko.

Ngunit wala ni isang dumating.

Bagkus ay hindi ko inaasahan ang paghingi ng tawad sa akin ng Daddy.

He kept on repeating he was sorry.

Sa sandaling panahon na nagawa naming magkasama, tila naging napakapamilyar niyang agad sa akin.

Against All BoundariesWhere stories live. Discover now