Chapter Fourty-Six

11 5 0
                                    

Maligaya kong tinutunghayan ang Tita habang nag-bi-bake.

Simula nang matapos ang bahay na itinayo rito ni Ezrhael sa Catarman ay dito na madalas ang Tita.

Paminsan-minsan nasa bahay siya, pero madalas na siya rito lalo na kapag wala si Ezrhael.

Nakakatuwang tingnan ang pag bi-bake ng Tita.

Kapag tinitignan ko iyon ay tila kay dali lamang dahil sa rahan at banayad ng pagkakagawa niya. Pero nang unang beses kong nasubukan, hindi ko na kailan man sinubukan uli.

Natanto ko agad na hindi para sa akin ang pag-bibake at hindi ko na ipinilit.

I volunteered to assist Tita while baking para naman hindi ako walang silbi rito.

Tutal nag-pahinga muna ako sa paggawa ng power point para sa visual aids na kailangan ko.

Nalulula kasi ako at ramdam ko talagang gumagalaw na ang mga tinitingnan ko kanina.

So in order to feel better at least, I watched as Tita baked a cake for Ezrhael.

Nasa trabaho pa siya.

At naisipan naming simple lamang ang gawing salo-salo sa birthday niya. Tita lamang din ang nag-luto bukod sa iilang mga in-order lang namin at pinagawa.

Marami naman na ang laman ng lamesa.

But of course, mainam na dag-dagan pa iyon. Kaya iilang putahe pa ang ginawa niluto niya.

And now that she's done with the other foods, she's started baking.

And I started watching.

Tumalima naman ako agad nang may ipinaabot ang Tita.

Ibinigay ko iyon sa kaniya. Ngunit bahagyang kumunot ang noo ko nang tila naguluhan ang Tita.

She stared at me as if I am a puzzle.

Hindi niya pa rin tinatanggap ang iniabot ko.

Maya-maya ay naghugas ng kamay ang Tita at nagpunas bago ako marahang hinipo.

She then carefully held my hands and finally took what she asked for.

Pero mas lalo lamang kumunot ang noo ko nang tila inilayo niya iyon at ibinalik sa pinagkunan ko.

But she needed it right?

Why did she bring it back?

"T-tita, magpapahinga ho muna kayo?" Ako nang walang ibang maisip kung bakit ganon ang inakto ng Tita.

One moment she was baking, then the next thing, she carefully motioned me back to the couch.

Naupo kami ng marahan doon.

Hinawakan ng Tita ang dalawa kong kamay.

She was careful as ever.

It was like she might do something wrong if ever she did things more swiftly.

Halos lahat ng naging galaw ng Tita ay banayad at tila nag-iingat.

Malamlam ang kaniyang mga mata at tila kinakabahan ako sa pag-aalala na nakikita ko mula roon.

"Tita, what's wrong? Y-you were baking . . . Baka po mapano ang cake . . ." Ako nang maisip na baka walang cake na mailapag mamaya sa hapag.

Some of Ezrhael's close and trusted colleagues will be here, nakakahiya naman. Though the foods were already enough, still Tita's cake will make it a lot more special. Kaya sayang naman kung hindi maitutuloy.

Against All BoundariesWhere stories live. Discover now