Chapter Thirty-Seven

9 4 0
                                    

Gaya ng sabi ng Manang ay hindi nga nagtagal ang Daddy at ang Tita Feli.

Narito na sila bago pa mag-alas diyes.

Magaan ang ngiti ng Daddy sa akin nang dumating sila.

"Hinatid namin si Seb . . . Ayaw ka nang gisingin dahil alas tres ka raw natulog anak?" Ang Daddy matapos akong halikan sa pisngi.

Nahiya ako ng bahagya ngunit gumaan naman kaagad ang pakiramdam.

Nagkamot ako ng batok bago sumagot.

"Nagisip-isip lang po, Dad."

Hindi ako sanay na nahihiya ako.

Pero pinabayaan ko lamang iyon.

Marahang ngumiti ang Daddy at malamlam ang mga matang sinalubong ang akin.

"How are you feeling now?"

Matagal bago ako tumugon.

Ilang sandali ko munang pinakiramdaman ang sarili bago tuluyang sumagot.

"Better."

Mas lalo namang gumaan ang mga mata ng Daddy sa sagot ko.

"Uh, Romulo, nandito na si Eldion . . . kababalik lang galing kampo . . . Lunes na rin bukas, at kailangan nang pumasok ni Zophoeah, bago pa matambak ng tuluyan ang mga hahabulin niya." Kadarating lamang ng Tita Feli na tila nag-alangan yata nang makitang nag-uusap kami ng Daddy. Ngunit nagpatuloy naman siya nang pareho naming ilahad sa kaniya ang buong atensiyon.

Ngayon ko lang din naalala.

Mag-aaral pa nga pala ako.

"Baka gusto niyo nang mamili ng gamit . . . Wala pang ginagawa si Eldion."

"Nga pala." Naglipat ng tingin sa akin ang Daddy. "Ayos lang sayong si Eldion ang sumama sa pamimili, Anak? O, baka pwedeng mamayang hapon, ako na ang sasama sayo . . . May lalakarin lang ang Daddy sandali at tumatawag na ang kliyente . . ."

Ngayon lang pumasok sa utak ko. Abogado nga pala ang Daddy. Both mine and Noah's inspiration to become one as well.

Si Zariyah lang ang nag archi katulad ng Mommy.

Napansin ko ang mga papel na dala-dala niya at ang suitcase na nasa couch. Mukha ngang abala siya and it looked urgent, kaya naman agad-agad ang pag-iling ko.

"N-no, Dad. Ayos lang ho. I can see you have some errands to do, ayos lang ho kahit hindi na . . . "

Napakunot naman ang noo ng Daddy. "I can probably make time, if you'll wish . . ." Siya at inaaral yatang muli ang ekspresiyon ko.

That was a little bit tempting, but I reminded my self not to be abusive.

"No, ayos lang po talaga Daddy. Ngayong umaga na lang po para makapag-paaraw na rin . . . " Muli akong napakamot ng noo.

"You sure, Anak?"

Mabilis ang tango ko sa kaniya.

Daddy didn't seem entirely convinced, but he didn't anymore argue too much with it. Lalo na at tumunog ang telepono niya.

He took it from his pocket and excused himself for a while.

Natuon ang atensiyon ko sa kapapasok lamang muli na si Tita Feli. Hindi ko napansin ang pag-labas niya, ngunit ngayon ay may natatanaw na rin akong binata sa kaniyang likod.

Ngumiti ang Tita at iminuwestra ang binata.

"He's Eldion, Zophoeah. Pamangkin ko." Ang Tita Feli bago nakangiting nagpatuloy. "Sa sentro ang bilihan . . . Kabisado naman ni Eldion ang Catarman at matagal na rin kami rito . . . Siya na lamang muna ang sasama sayo, iha. Kung ayos lang. Pero sasabay na ako sa inyo papuntang shop."

Against All BoundariesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt