Chapter Fourteen

10 5 0
                                    

"Mom, maybe It'll be best if we just don't throw a party this time. Kagagaling mo lang po sa ospital, maybe It'll be way better if you just take a rest first. Stress lang ang preparations para sa party, at maging ang mismong party." Naabutan ko si Zariyah na kinukumbinsi ang Mommy na huwag nang magpa-party para sa papalapit naming birthday.

Iyon din sana ang gusto ko dahil hindi ko rin naman gustong makihalubilo.

But Mom decided to push it still.

"No, Zari. People will be just making that a big deal kung hindi ko pag-hahandaan ang kaarawan ninyo ng kapatid mo. I don't like their speculations at mas palalalain lamang nila ang mga iyon kung hindi natin ito ipag-didiwang. Thinking and talking that our family is troubled."

"Hindi naman na po iyon mahalaga ngayon Mom. They'll get nothing good with their speculations the same way we do, kaya ayos lang na hindi na ituloy ang party."

"Don't you even try to sound like your sister Zariyah Eliese." Marahan ngunit may diin ang pagkakasabi ng Mommy no'n. "You know how their words could ruin a life. Nakapag sent na ako ng iilang invites kaya hindi puwedeng i-urong."

"Mom, your health must come first." Pangungumbinsi pa ni Zari. But Mom seemed to be really determined on pushing the birthday party.

"I'm fine, Zariyah. That was just a normal raise in the blood cause I'm no getting any younger."

"Kaya nga po, sana iwasan mo ang stress Mommy."

"The talk in the town will stress me more, Zariyah."MB

"Then atleast, let's make it more exclusive and private. Mag-bawas ng mga bisita. Afterall, hindi naman na po ito debut."

"That's considerable." Si Mommy.

Nakaupo na sila sa dining table, with the foods and dishes ready. Ngunit hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil wala pa naman ako.

Nagpasya na akong maupo bago pa mainip ang Mommy kahihintay, at maging dahilan na naman ng galit niya.

"Oh, hi Zophi." Zariyah casually greeted. And I casually nodded.

We're fine now after she made amends with me at the hospital.

I glanced at Mom.

Hindi niya naman ako pinansin.

She started blessing the food nang maayos na akong nakaupo.

Tahimik na nang nagsimula kaming kumain.

Bumagsak na naman ang loob ko at nawalan ng lakas ng loob na makipagbati.

Ni hindi ko nga alam kung talaga bang naging buo man lang ang desisyon ko sa pakikipag-ayos kay Mommy.

Kaya kami hindi nagkakabati dahil pareho kaming matigas.

Masyadong matayog ang pride naming dalawa at walang marunong yumuko sa amin.

Kaya hindi kami kailan man naging maayos.

Hindi kami nagkakaintindihan, dahil walang umuunawa. At walang nag-papaliwanag.

I remembered what Noah told me.

When one has a trouble understading, the other must do, to avoid the rift.

Pero paano kung pareho kaming hindi makaunawa?

Who has to bow first? Kung pareho naman kaming may kasalanan.

Again, I don't anymore know what to do.

That afternoon I took everychance I could get.

Lumiban ngayon si Mommy sa trabaho niya.

Ipinahatid niya lang sa bahay ang mga kakailanganin para dito sa bahay gawin.

Against All BoundariesWhere stories live. Discover now