Chapter Thiry-Eight

8 4 0
                                    

Mariin kong iniling ang ulo ko.

That's silly.

It's ridiculous.

"Ayos ka lang?"

Nag-angat ako muli ng tingin kay Eldion bago agad na nag-iwas ng tingin.

Mainit na sa labas pero dahil sa mga naiisip ko ay nagtatayuan ang balahibo ko sa braso.

Agad ko namang pinulupot ang mga braso ko at sinagot siya ng hindi nakatingin.

"Pwedeng sa sunod na kita bayaran? Uwi na tayo, sumakit pakiramdam ko . . ."

Sandali ko siyang tiningnan bago agad uling nag-iwas.

Nakita kong medyo nag-alala yata siya at agad na tumugon.

"No it was my fault. Pinaalalahanan ako ng Tita na idaan ka muna sa bangko, pero nakaligtaan ko. Kaya huwag mo nang bayaran . . . At umuwi na nga tayo kung ganon."

Sumang-ayon ako sa huli niyang sinabi pero hindi sa una.

Sumakay na kami at agad namang umandar ang sasakyan.

Nag-iwas ako ng tingin at buong biyahe ay nasa labas ang mga mata ko.

Nahampas ko ang upuan ng harapan nang makakita ng bangko sa hindi ka layuan!

"Itigil mo!"

Naguguluhan namang itinigil ni Eldion ang sasakyan.

Bumaba ako ng sasakyan kahit hindi pa naman kami nasa mismong bangko.

I heard him call me from the back, but I ignored him.

Alam kong po-protesta siya kapag lumingon ako kaya hindi ko ginawa.

Nang marating ang bangko katabi ng isang sikat na fastfood ay agad akong nag-withdrew ng pera.

Napansin kong pwede pa akong mabuhay sa loob ng mahabang panahon sa laman ng card, pero dalawampung libo lang ang ni-widthrew ko. Dahil bukod sa wala akong pag-gagamitan ay hindi ko naman gustong mag-bitbit ng cash.

Nasa likod ko na si Eldion ng matapos ako.

Madilim siyang nakatingin sa akin.

Agad-agad ang pag-iwas ko nang muli kong maalala ang mga mata ni Ezrhael sa kaniya.

What. The. F*ck.

I really have to go home now!

Babawi talaga ako ng tulog!

Iniabot ko sa kaniya ang kalahati ng pera.

Hindi niya ibinuka ang kamay niya.

"Aka ko ba hindi mo na babayaran?"

"I didn't say that. Ang sabi ko, hindi na muna babayaran. Dahil sumakit ang pakiramdam ko! Pero, nakakita ako ng bangko, sayang naman ang pagkakataon!"

Ako na nakalahad pa rin ang kamay.

Kapag ako nangalay dito, magkakalasog-lasog ka, Eldion, sinisiguro ko!

Wala siyang naging galaw kaya winasiwas ko ang kamay kong may hawak ng pera.

"I already told you not to pay me back." Aniya maya-maya.

"Well you can take it back." Pinandilatan ko siya sandali at agad din namang iniwas ang tingin sa kaniya.

"Hindi ko mini-miryenda ang sinasabi ko, Zophoeah."

Halos matigil ako sa sinabi niya.

Lalo na nang mas dumami lang ang mga naalala ko!

Pero pagkatapos ng ilang sandali, ay napagtanto kong wala kaming mapapala sa pagtatagal dito!

Against All BoundariesKde žijí příběhy. Začni objevovat