✔US Chapter 01

287 18 0
                                    

Pagkamulat ko ay napabalikwas ako ng tayo nang mapansin ko ang paligid. Panay ang linga ko at litong-lito sa mga nakikita. Pawang puro ulap at tila lahat ay puting-puti. Wala akong maalala, ni mismo sarili ko hindi ko kilala. Hindi ko na alam kung sino ako at saan ako nagmula. Kahit itong lugar na ito ay hindi ko alam. Lahat ay hindi ko na talaga alam.

Lakad lang ako ng lakad at hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. Wala akong makitang iba kundi puro puting ulap at usok. Sa paglalakad ko ay napapansin kung nagpabalik-balik lang ako sa nilalakaran ko na tila wala itong patutunguhan, kaya napag-isipan kung huminto at manatili na lamang sa isang tabi.

"May ibang tao ba rito?" sigaw ko pero tila walang ibang nilalang na nakakarinig sa akin. Nakakabingi ang sobrang tahimik sa lugar na ito. "May nakakarinig ba sa akin?" sigaw ko ulit at kagaya kanina ay wala pa rin akong natanggap na sagot.

Pero maya-maya ay may biglang lumabas na liwanag mula sa di kalayuan kaya agad akong lumapit doon at bahagya ko pang tinakpan ng  kanang kamay ko ang aking mga mata dahil sa silaw na nagmumula sa liwanag. Nang unti-unting nawawala ang liwanag ay saka pa lang ako umayos ng tayo at pinagmasdan ang papalapit na lalaking medyo matanda na. Hindi ko siya kilala ngunit binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti.

"Maligayang pagdating!" Nakangiting salubong niya sa akin.

"Sino po kayo? Ano po bang lugar ito?" tanong ko kaagad sa kanya.

Nginitian pa muna niya ako bago nagsalita. "Ako ang tagabantay," malumanay na sagot niya.

"Tagabantay? Dito po? A-Ano po bang lugar ito?" tanong ko ulit.


"Ito ang pasukan patungo sa langit," sabi niya at natigilan naman ako.

Napakurap-kurap pa ako at tila hindi tatanggapin ng utak ko ang mga narinig mula sa matandang ito.

"Bakit po ako nandito?"

"Tanging kaluluwa lamang ang makakapunta dito. Kung tatanongin mo ako kung bakit ka napunta dito ay syempre isa ka ng kaluluwa," nakangiti paring sabi niya. "Pero hindi ka pa maaaring makapasok sa pintuan patungong langit. May mga bagay ka pang gagawin sa lupa. May mga bagay ka pang pwedeng malaman tungkol sa mga nakasama mo," sabi niya at nanatili lang akong nakinig sa kanya. "Kaya papabalikin kita sa lupa para magawa mo lahat ng iyon. Bibigyan kita ng labing-apat na araw para manatili sa lupa. Matapos ang araw na iyon ay babalik ka na dito at nakadepende ang pagpasok mo sa langit kung nagawa mo ng maayos ang misyon mo," mahabang paliwanag pa niya.

"Paano po kapag hindi ko nagawa ang mga kailangan kong gawin?" nag-aalalang tanong ko.

"Mananatiling lulutang ang kaluluwa mo rito," maikling sagot niya na mas lalong nakakapagpatigil sa akin.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon