✔U.S Chapter 08

46 8 1
                                    

PRECIOUS' POV

Binayaran ko muna ang driver bago ako nagtungo sa malapit na coffee shop dito sa park. Pumasok ako at agad namang lumapit ang isa sa mga staff nila saka binigay niya sakin ang menu.

"Isang frappuccino coffee at isang egg sandwich, please?" order ko.

"I'll serve it in just 2 minutes ma'am," sabi niya.

"Sige, thank you!"

Tiningnan ko naman si Cali na ngayon ay nakaupo sa harapan ko. Diritso siyang nakatingin sakin na nakakunot pa ang noo.

"Sabi mo doon ka kakain sa karenderya, diba? Eh ngayon, bakit dito?"

"Coffee ang gusto ko," pataray na sagot ko.

"Coffee? Mabubusog ka ba niyan?"

"May sandwich naman," nakangiwing ani ko.

Nanliit naman ang mga mata niya saka sumandal sa inuupuan niya at pinagkrus ang braso. "Ilang sandwich in-order mo?"

"I-Isa lang."

"Isa? Mabubusog ka ba niyan?" tanong niya ulit.

Napakamut-ulo naman ako at inis ko siyang tiningnan. "Oo, busog na ako do'n. Hindi ako nagra-rice kapag umaga, okay?" asik ko kunwari pero ang totoo ay naa-appreciate ko naman ang concern niya sa akin.

"Hindi iyan maganda, dapat kasi kumain ka ng kanin lalo pa't nasisiguro kong mapapagod ka ngayon," malumanay na aniya.

Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Hindi ako sanay."

"Here's your order ma'am," ani waiter saka inilapag ang mga dala niyang pagkain.

"Thank you!"

Napatingin naman ako kay Cali na diretso pa rin ang tingin sa akin. Palihim ko namang kinagat ang labi ko. Sarap siguro magmahal nitong multong ito?

"Gusto mong kumain?" biro ko sa kanya. Pabulong ko lang sinabi iyon baka makarinig pa ang ibang tao dito at mapagkamalan akong baliw.

"Nakuha mo pang mang-aya niyan sa pagkain mo na kulang pa sayo?" nahihimigan ko ang pagiging sarkastiko niya kaya tumaas bigla ang isang kilay ko.

"Nagbibiro lang ako, alam ko namang hindi ka kumakain eh at isa pa hindi ito kulang sa 'kin no! Sakto lang to para sa akin," sabi ko pa saka sumubo ulit.

Suminghal pa siya at ngumisi ng may sarkastiko. "Sakto? Sigurado ka ba? Sa liit niyang sandwich mo? Busog ka na niyan?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ahh basta," lang ang nasabi ko at nagpatuloy sa paghigop ng kape.

Tinapos ko kaagad ang breakfast ko at nagbayad sa counter. Pagkalabas ko ng coffee shop ay napansin kong tahimik si Cali, though tahimik nga naman ito pag may tao kaya lang iba ang pagiging tahimik niya ngayon.

"Cali, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko. Tiningnan ko pa ang paligid baka may tao na nakatingin sa akin at napansin ko namang wala kaya bumaling ulit ako kay Cali.

"Paano ako magiging okay kung iyon lang ang kinain mo? Okay lang sana kung nasa bahay ka lang at wala kang ginagawa pero hindi e nandito tayo at sigurado akong mapapagod ka. Kaya dapat may saktong laman iyang tiyan mo." Pinakita niya sa 'kin ang pag-a-alala kaya imbis na matuwa ako dahil sa concerned siya sa 'kin ay natawa pa ako dahil sa itsura niya.

"Huwag ka ngang iiyak dyan!" pabirong sabi ko.

Siniringan niya ako at nakapamiwang pa na tumingin sa 'kin. "Sumeryoso ka nga," inis na sabi niya.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon