Unexpected Soulmate Chapter 26

40 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba patungong kusina. Kagaya ng dati ay hindi parin kumakain si Rhanz hanggat wala pa ako. Nakita naman niya akong papalapit na kaya tumayo siya at inilalayan akong maupo.

Ganito ba talaga siya? Sobrang gentleman!

Pinakita ko sa kanya na kunwaring na iinis pa ako. Hindi ako nag-thank you sa halip ay pasiring ko siyang tiningnan.

"Don't look at me like that.." saway niya sakin.

"Ang bad mo," pabulong ko.

"May sinasabi ka?" bahagya pa niyang inilapit ang mukha niya.

"Wala," mapaklang kunwaring sabi ko.

Narinig kong bumuntong-hininga siya saka nilagyan niya ng bread and bacon ang plato ko.

"Okay, I'm sorry.." ramdam ko ang sinseridad niya. Pinigilan ko naman ang pagtawa dahil sa itsura niya ngayon na parang nag-aalala na baka nagalit nga ako sa kanya.

"Hoy.. Precious, sorry na kase.." bahagya akong tumagilid patalikod sa kanya dahil parang hindi ko na talaga mapigilang tumawa. Para na kasi siyang bata. "Precious, sorry na oy.."

Matunog akong ngumisi at humarap sa gawi niya. "Talo ka pala e.." nakangising umiiling-iling ako.

"Ang sama mo," sabay ngusong aniya.

"Line ko 'yan ah?"

"Anong line?" takang tanong niya.

'Slow.'

"Ako lagi ang nagsabi sayo ng ganyan e. Kaya line ko 'yan.."

Kunwari pa siyang namangha. "So ako lang ba parati ang masama?" sabay turo pa sa mukha niya.

"'Yon naman talaga e.." sabi ko sabay kuha ng bread and bacon.

"Masama kasi.. gwapo," papuri niya sa sarili niya sabay subo ng pagkain.

"Hangin!" pabirong asik ko.

Natawa naman siya. "Pero napaniwala mo 'ko ah? Nag-alala ako baka totoong nagalit ka sakin." biglang seryoso niya.

"Talaga?" pang-aasar ko.

"Kaya dahil ginawa mo 'yon.. hindi ka na pwedeng kumain." akmang kukunin niya pa ang plato ko. Tinampal ko naman ng mahina ang kamay niya.

"Hoy! Huwag kang ganyan! Gutom ako e.." nakangusong ani ko.

Matunog naman siyang ngumisi. "Joke lang.."

"Tusukin kita diyan e!" sabay taas ng tinidor na hawak ko.

"Ang brutal mo!" umiling pa siya kunwari. "Kumain ka na nga.."

Minsan pa akong mapatingin kay Rhanz habang kumakain kami. Kung hinayaan ko kaya siyang pumasok noon sa bahay namin, siguro magiging kaibigan din kami? Ganito din ba kaya siya kabait noon?

"Ayan na naman..tinititigan mo na naman ako." biglang sabi niya saka ipinatong ang siko at tumunghay sakin. "Nag-iba na ba 'yang nararamdaman mo? Ako na ba ang mahal mo?" nakangising sabi niya. Natigilan ako't nanalalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now