I Love You Goodbye

40 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

HINAWAKAN ko ang isang balikat niya. Pero habang siya ay namimilipit sa sakit ng kanyang ulo ay hindi niya inalis sakin ang kanyang paningin.

"Baby, okay ka lang ba? A-Anong nangyari sa'yo?" natataranta na ako sa pag-aalala.

Umiling-iling ulit siya saka ngumiti. Yumuko pa siya at hinagkang muli ang aking noo. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit na tila mahihirapan na akong huminga.

"Baby, I love you so much.." bulong niya sa mismong tenga ko.

"I love you too," sagot ko at matunog naman siyang ngumisi.

Pagkatapos ng ilang segundo ay parang nabibigatan na ako sa kanya. Nagtataka pa ako nang unti-unting bumitaw ang mga kamay niya sa likod ko na tila wala na itong lakas.

"Baby?" inalog ko siya pero wala akong natanggap na sagot.

Nabibigatan na talaga ako sa kanya. Kaya pilit ko siyang hinarap pero gano'n nalang ang pagkagulat ko nang bahagya siyang natumba pero agad ko rin namang sinalo. Sa bigat niya ay hindi ko alam kung paano ko siya nagawang saluin.

Nakapikit na siya at pinapakiramdaman ko pa ang hininga niya ngunit mas lalo akong natakot nang wala na akong maramdamang humihinga siya. Tumingin ako sa mga kasamahan namin ngunit gano'n nalang din ang pagtataka ko na lahat sila ay umiiyak na.

Hindi ko na talaga kaya ang bigat niya kaya napaupo ako at ang kanyang ulo naman ay ipinatong ko sa aking hita. Patuloy ko siyang inaalo habang tinatawag ang pangalan niya. Pero kahit ilang beses ko pa siyang tawagin ay hindi na talaga siya sumasagot.

"Tulong!!" umiiyak na sigaw ko. "Zion? Baby? Gumising ka!!" humahaguhol ako habang niyakap siya. "Zion 'wag kang magbiro ng ganito, please!! Baby, gumising ka!!"

Nagsilapitan silang lahat sa amin. Lahat sila umiiyak.

"Please dalhin natin siya sa hospital! Tulongan niyo ko!!" nakuha ko paring sumigaw kahit humahagulhol ako sa iyak.

Binuhat nila kuya at Rhanz si Zion pasakay sa kotse. Dali-dali naman akong pumasok saka patuloy parin sa pagsambit ng pangalan niya. Mahina ko pang tinapik ang pisngi niya. Pero wala, para na siyang lantang gulay.

"Rhanz bilisan mo!!" umiiyak na utos ko kay Rhanz. Dahil kahit alam kong mabilis na ang takbo namin ay nababagalan parin ako.

Walang tigil ang iyak ko habang nasa byahe kami papuntang hospital. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagkulog at kidlat pero walang ulan.

Sa tapat ng emergency room inihinto ni Rhanz ang kotse saka nila binuhat si Zion para isakay sa stretcher. Patakbo akong sumabay kay Zion habang hawak ko parin ang kamay niya.

"Zion, please lumaban ka.. Baby, 'wag kang bibitaw please.."

Gusto ko sanang pumasok pa pero hinarangan ako ng doktor. "Ma'am dito lang po kayo. Hindi po kayo pwedeng pumasok."

Nangingig ang mga kamay ko na nakatakip sa aking bibig. "Please gawin niyo po ang lahat, doc.. Iligtas niyo po siya.. Nagmamakaawa po ako.."

Tumango lang ang doktor saka pumasok. Agad naman akong inilalayan nila kuya at Rhanz. Nakayuko lang ako habang humihikbi at humahagulhol sa iyak. Nanginginig lahat ng katawan ko dahil sa takot at pag-aalala.

Patakbong lumapit naman sila mommy sa'min. Niyakap niya ako at do'n mas lalo akong naiyak.

"Mommy.." pumipiyok na ang boses ko.

"Shsss.." inalo niya ako pero hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko.

Dinig ko pa ang paghagulhol ni tita. Kaya mas lalong naninikip ang aking dibdib. Para itong kinuyumos ng maigi dahil sa sikip na tila hindi na ako makahinga ng maayos.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now